Buksan ang pangunahing menu

Changes

walang buod ng pagbabago
Ang '''Karagatang Pasípiko''' (mula sa salitang [[Wikang Latin|Latin]] na ''Mare Pacificum'', na ang ibig sabihin ay ''payapang laot'', na iginawad ni [[Fernando Magallanes]] eksplorador na [[Portugal|Portugues]] sa korona ng [[Espanya]]) ay ang pinakamalaking [[karagatan]] sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng [[Lupa]] at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa [[Dagat Bering]] sa [[Karagatang Artiko]] hanggang sa mayelong lugar ng [[Dagat Ross]] ng [[Antartika]] sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula [[Indonesia]] hanggang sa baybayin ng [[Colombia]]. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang [[Kipot ng Malaka]]. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa [[Bambang ng Marianas]] sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot ''(sea level)''.
 
Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng 25,000 mga [[pulo]] (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo). (Silipin: [[Mga Isla ng Pasipiko]].) Marami rito ay matatagpuan sa timog ng [[ekwador]]. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang [[Dagat Selebes]], [[Dagat Korales]], [[Dagat Timog Tsina]], [[South China Sea|Dagat Silangang Tsina]], [[Dagat Hapon]], [[Dagat Luzon]], [[Dagat Sulu]], [[Dagat Tasman]] at [[Dagat Dilaw]]. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang [[Karagatang Indiyan]] sa kanluran at ang [[Kipot ng Magallanes]] ang nagkakabit sa Pasipiko sa [[Karagatang Atlantiko]] sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa [[Karagatang Artiko]].
 
Ang manunuklas na [[Portugal|Portuges]] na si [[Ferdinand Magellan]] ang nagpangalan sa karagatan. Ito ay dahil sa napansin nyang kalmado ang tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula [[Kipot ni Magallanes]] hanggang [[Pilipinas]]. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming [[bagyo]] at [[hurakan]] ang tumatama sa mga isla nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga [[bulkan]] at kadalasang niyayanig ng [[lindol]]. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang [[tsunami]] na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito.
 
Ang tsunami ([[daluyong]]), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.Maari ding masira ang ibang kabuhayan tulad ng pangingisda at iba pang trabaho s tubig
 
== Mga katangian ng tubig Pasipiko ==
 
<!-- broken --> 😳
 
{{Napiling artikulo}}