Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Sining"

m
pag sasalin sa unang tatlong tatlong talata mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Art
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 122.2.100.79 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat)
Tatak: Rollback
m (pag sasalin sa unang tatlong tatlong talata mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Art)
Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining, kritisismo ng sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining
[[Talaksan:קולנוע אורדע - אתרי מורשת במרכז הארץ - רמת גן 2015 (6).JPG|thumb|Sining]]
 
Ang '''sining''', bagaman kadalasang tumutukoy ang salitang ito sa [[sining biswal at disenyo|sining biswal]], ay patuloy na nagbabago ang kaisipan na kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing kahulugan nito – tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at [[pagsusupling]]. Mula sa isang malawak na [[pagpapalagay]], isang pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging [[malikhain]], na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao katulad ng [[agham]] sa pamamagitan ng [[alkimiya]], at [[relihiyon]] sa pamamagitan ng [[shamanismo]].
Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining. Noong ika-17 na siglo, ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-iiba sa agham at pag likha. Sa modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo, ang sining ay nag bibigay ng malaking pag papahalaga sa astetikong pinapakita nito. Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na sining
 
Bagaman pabago-bago ang kahulugaan at kung ano ang sining, mayroong nanatiling pangkalahatang ideya parin ang nasasabi kasama nito. Ang pagiging malikhain o ang kahusayan na ipinapamalas ng tao. Ang kalikasan ng sining at ang mga ideyang kaugnay dito, pagka-malikhain at interpretasyon ay sinisihayat sa isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na estetika.
 
Ang salitang ''sining'' ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga [[tao]] na may kahalagahan sa [[isipan]] ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga [[pandama]] ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng [[mangkok]] na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na [[pagkamalikhain]]. Kabilang sa sining ang [[pagguhit]], [[pagpipinta]], [[paglililok]], [[potograpiya]], [[sining-pagganap]], [[sayaw]], [[musika]], [[panulaan]], [[prosa]], at [[teatro]].