Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pag-init ng daigdig"

[[Talaksan:Co2-temperature-plot.png|thumb|280px|right|Mga tala ng carbon dioxide at pandaigdigang temperatura sa mundo sa loob ng 750,000 taon.]]
 
Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan sa short wave radiation (maiksing ondang radyasyon) na mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang onda ng radyasyong infra-red mula sa lupa na lubhang na nagpapahirap sa mundo na mapalamigmapalamg ito.
 
Tinatayang tumaas ng 31% at 149% ang konsentrasyong panghimpapawid ng carbon dioxide at methane kumpara sa antas bago naging industriyal ang mundo noong 1750. Sinasabing mas mataas ito kaysa alinmang panahon nitong huling 650,000 taon, kung saan may matibay na ebidensiya mula sa mga ice cores (sample ng yelo na kinuha ng pabarena). Mula sa hindi tuwirang ebidensiyang heolohika, pinaniniwalaang ang ganitong kataas na dami ng carbon dioxide ay nangyari 40 milyong taon ang nakaraan. Ang tatlo sa apat na bahagi ng mga emisyong dulot ng tao (antropoheniko) ng carbon dioxide sa himpapawid nitong nakaraang 20 taon ay dulot ng pagsunog ng mga produktong petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay pinangungunahan ng pagbabago sa paggamit ng lupa lalo na ng pagpanot ng kagubatan [5].
Anonymous user