Domestikasyon: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Grzll133 (usapan | ambag)
mNo edit summary
Lam-ang (usapan | ambag)
m remove original research, spam to external link
Linya 5:
Inilarawan ni [[Charles Darwin]] kung paanong ang proseso ng domestikasyon ay kinasasangkutan ng parehong mga elementong may kamalayan at metodikal. Ang rutinang mga interaksiyon ng mga tao sa mga hayop at halaman ay lumilikha ng mga presyur na [[seleksiyon]] (pagpili) na nagsasanhi sa [[pang-aangkop]] (adaptation) habang ang espesye ay nagbabago sa presensiya ng tao, paggamit o kultibasyon. Ang sinasadyang [[selektibong pagpaparami]] (selective breeding) ay ginagamit rin upang lumikha ng ninanais na pagbabago na kadalasan ay pagkatapos ng simulang domestikasyon. Ang mga pwersang ito, walang kamalayang [[natural na seleksiyon]] at metodikal na pagpaparaming selektibo ay maaaring parehong gumampan ng mga papel sa mga proseso ng domestikasyon sa buong kasaysayan.<ref name="diamond">{{cite book |last=Diamond|first= Jared|authorlink=Jared Diamond| year=1999|title=[[Guns, Germs, and Steel]]|publisher= New York: Norton Press|isbn= 0-393-31755-2}}</ref> Ang parehong ito ay inilarawan mula sa perpsektibo ng tao bilang mga proseso ng [[seleksiyong artipisyal]]. Ang domestikasyon ng [[trigo]] ay nagbibigay ng isang halimbawa. Ang mga ligaw o lagalag na trigo ay nahuhulog sa lupa upang muling binhian ang sarili nito kapag hinog na ngunit ang mga domestikadong trigo ay nanatili sa tangkay para sa mas madaling pag-aani. May ebidensiya na ang mahalagang pagbabagong ito ay nangyari sanhi ng isang [[randomang mutasyon]] malapit sa pagsisimula ng [[kultibasyon ng halaman|kultibasyon]] ng trigo. Ang trigo na may [[mutasyon]]g ito ay inaani at nagiging buto para sa susunod na panananim. Kaya sa hindi pagkakatanto, ang mga sinaunang magsasaka ay pumili para sa mutasyong ito na kundi ay mamamatay. Ang resulta ay ang domestikadong trigo na umaasa sa mga magsasaka para sa sarili nitong reproduksiyon at pagkalat.<ref>Zohary, D. & Hopf, M. (2000). ''Domestication of Plants in the Old World'' Oxford: Oxford Univ. Press.</ref> Ang mutasyon ang hindi tanging paraan kung saan ang [[artipisyal na seleksiyon]] at [[natural na seleksiyon]] ay gumagana.
 
Inilarawan ni Darwin kung paanong ang mga natural na bariasyon sa mga indbidwal na halaman at hayop ay sumusuporta rin sa seleksiyon ng mga bagong katangian. Ipinagpalagay na ang mas maamong aberahange mga [[lobo]] na may kaunting takot sa mga tao ay pumili ng sarili nito bilang mga domestikong aso sa loob ng maraming mga henerasyon. Nagawa ng mga lobong ito na yumabong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tao upang maghanap ng pagkain malapit sa mga apuyan at basurahan ng mga tao. Kalaunan, ang isang [[simbiyotiko]]ng relasyon ay umunlad sa pagitan ng mga tao at mga proto-asong ito. Ang mga aso ay kumakain ng sarili nilang tae<ref>"''[https://iluvdogs.io/blogs/tips/why-does-my-dog-eat-poop Why is my dog eating poop?]''" ''Iluvdogs.'' Hinango noong 03 Oktubre 2018.</ref>, mga itinapong pagkain at natagpuan ng mga tao na ang aso ay makapagbababala sa mga ito sa papalapit na panganib, tumulong sa pangangaso, magsilbing mga alagang hayop<ref>''[https://reviewner.com/nutra-thrive-reviews/ Taking Care of Dog's Immunity.] Reviewner.'' Hinango noong 02 ng Mayo 2019.</ref> (gaya ng mga eksklusibong mga lahi ng aso<ref>[https://toplistly.com/top-5-worlds-rarest-dog-breeds/ Mga Pambihirang Lahi ng Aso.] </ref>), magbigay ng init o magdagdag sa suplay ng pagkain ng mga ito. Habang nagpapatuloy ang relasyong ito, ang tao ay kalaunang nagpanatili ng mga [[pinagmulan ng domestikadong aso|nagpaamo sa sariling mga lobo]] at nagparami ng mga ito sa mga uri ng hayop na umiiral sa modernong panahon.
 
Sa mga kamakailang panahon, ang selektibong pagpaparami ay mahusay na nagpapaliwanag kung paano ang nagpapatuloy na mga proseso ng domestikasyon ay kadalasang gumagana. Ang ilang mga mahusay na alam na ebidensiya ng kapangyarihan ng selektibong pagpaparami ay nagmula sa eksperimento ng siyentipikong Ruso na [[Dmitri K. Belyaev]] noong mga 1950. Ang kanyang pangkat ay gumugol ng maraming mga taon sa pagpaparami ng mga [[silver fox]] (''Vulpes vulpes'') at pumili lamang ng mga indibidwal na nagpakita ng kaunting takot sa mga tao. Kalaunan, pinili lamang ng pangkat ni Belyaev ang mga fox na nagpakita ng pinaka-positibong tugon sa mga tao. Siya ay nagkamit ng isang populasyon ng mga kulay gray na fox na ang pag-aasal at hitsura ay malaking nabago. Ang mga napiling ito ay hindi na nagpapakita ng anumang takot sa mga tao at karaniwang nagwawagayway ng mga buntot nito at dumidila sa mga tagapag-alang tao upang magpakita ng pagmamahal sa mga ito. Ang mga fox na ito ay may mas hindi matigas na mga tenga, nakaikot na mga buntot at ibang mga katangiang karaniwang matatagpuan sa mga aso.<ref name="Trut1999">{{cite journal |author=Lyudmila N. Trut |year=1999 |title=Early Canid Domestication: The Farm-Fox Experiment |journal=American Scientist |volume=87 |issue=March–April |pages=160–169 |publisher=Sigma Xi, The Scientific Research Society |url=http://www.hum.utah.edu/~bbenham/2510%20Spring%2009/Behavior%20Genetics/Farm-Fox%20Experiment.pdf |format=PDF |accessdate=2011-06-25}}</ref> Sa kabila ng tagumpay ng eksperimentong ito, lumilitaw na ang selektibong pagpaparami ay hindi palaging nagkakamit ng domestikasyon. Ang mga pagtatangka na idomestika ang maraming mga uri ng ligaw na mga hayop ay naging hindi matagumpay. Ang halimbawa nito ang [[zebra]]. Bagaman ang apat na espesye ng zebra ay maaaring makipagtalik sa at bahagi ng parehong [[henus]] sa mga [[kabayo]] at [[asno]], ang mga pagtatangka sa domestikasyon ng mga ito ay nabigo.<ref>Clutton-Brock, J. (1981) ''Domesticated Animals from Early Times''. Austin: Univ. Texas Press.</ref> Ang mga paktor gaya ng temperamento, istrakturang panlipunan at kakayahan na dumami o magtalik sa pagkakabihag ng mga hayop na ito ay gumagampan ng isang papel sa pagtukoy kung ang isang espesye ay matagumpay na madodomestika.<ref name="diamond" /> Sa kasaysayan ng tao hanggang sa ngayon, ang tanging ilang mga espesye ng malalaking mga hayop ay nadomestika.