Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Jose Corazon de Jesus"

m
Kinansela ang pagbabagong 1708340 ni 112.205.113.87 (Usapan): rv-v
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Kinansela ang pagbabagong 1708340 ni 112.205.113.87 (Usapan): rv-v)
Tatak: Undo
 
 
'''José Corazón de Jesús''' (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932), kilala rin bilang '''Huseng Batute''', ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa [[Tagalog]] upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop ng [[Estados Unidos]] sa [[Pilipinas]] (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang kapanahunan.
 
==Kabataan==
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa [[Sta. Cruz, Manila]] noong 22 Nobyembre 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng [[Pampanga]]. Bininyagan siyang ''Jose Cecilio de Jesus'' ngunit pinalitan niya ang ''Cecilio'' ng ''Corazon'' (puso sa [[Español]]) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
 
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa [[Santa Maria, Bulacan]]. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang ''Pangungulila'' na lumabas noong 1913 sa nasirang ''Ang Mithi'' noong siya ay 17 taong gulang.