Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Dyipni"

No change in size ,  1 year ago
m
m (removed spam to external link)
 
Noong papaalis na ang mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, daan-daang mga segundamanong mga jeep ang ipinagbili sa mga [[Mga Pilipino|Pilipino]]. Binago ng mga Pilipino ang itsura ng dyip, ginawa nila ito para magkasya ang ilang mga pasahero, may mga metal na bubong para sa lilim, at inayusan ang sasakyan kasama ang mga buhay na mga kulay at mga palamuti sa harapan nito.
 
Mabilis na lumitaw ang dyipni bilang isang tanyag at malikhaing paraan upang matatag muli ang murang pampublikong transportasyon, na nawala sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagkilala ng malawakang gamit ng mga sasakyang ito, nagsimula ang [[Politika sang Pilipinas|pamahalaan ng Pilipinas]] na magpataw ng mga limitasyon sa paggamit nito. May mga espesyalisadong mga [[lisensiya ng drayber|lisensiya]], mga regular na ruta, at nakatakdang pamasahe.
 
Ang mga karaniwang dyipni ay may mga malalaking bintana sa gilid at walang pintuan sa me bandang likuran. May mga dyipni rin na may [[aircon]], electric fan, binalutang plaka, at malalaking ''speakers'' na may malalakas na tugtugin.
15,089

edits