Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pilipinas"

walang buod ng pagbabago
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
|pinaka populadong lungsod=<nowiki>[Maynila]]</nowiki>}}
 
Ang '''Pilipinas''', opisyal na '''Republika ng Pilipinas''', ay isang [[malayang estado]] at kapuluang bansa sa [[Timog-Silangang Asya]] na sanasa kanlurang bahagi ng [[Karagatang Pasipiko]]. ItoBinubuo ay binubuoito ng 7,641 pulo na nahahatinababahagi sa tatlong kumpol ng mga pulo na ang: [[Luzon]], [[Kabisayaan]] (kilala rin bilang ''Visayas'') at [[Mindanao]]. Ang punong lungsod nito ay ang [[Maynila]] at ang pinakamataong lungsod ay ang [[Lungsod Quezon]]; pawang bahagi ng [[Kalakhang Maynila]].
 
Nasa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. [[longhitud]], at 4° 40' at 21° 10' H. [[latitud]] ang Pilipinas. Napapalibutan ito ng [[Dagat Pilipinas]] sa silangan, ng [[Dagat Luzon]] sa kanluran, at ng [[Dagat ng Celebes]] sa timog. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang [[Indonesia]] habang ang bansang [[Malaysia]] naman ay nasa timog-kanluran. Sa silangan naman ay naroroon ang bansang [[Palau]] at sa hilaga ay naroroon naman ang bansang [[Taiwan]].
 
Ang kinaroroonan ng Pilipinas sa [[Singsing ng Apoy ng Pasipiko]] at malapit sa ekwador ang dahilan kaya madalas tamaan ng bagyo at lindol, ngunit nagtataglay ito ng masaganang likas na yaman at ilan sa mga pinakamagandang sari-saring nilalang na nabubuhay. Ang lawak ng Pilipinas ay 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at tinatayang may 103 milyong bilang ng tao. ItoAng ayPilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang [[Tala ng mga bansa ayon sa populasyon|ika-labindalawang pinakamataong bansa]] sa daigdig. Magmula noong 2013, tinatayang 10 milyong Pilipino naman ang naninirahan sa [[Balikbayan|ibayong-dagat]], na bumubuo sa isa sa pinakamalaking [[diaspora]] sa daigdig. Iba't ibang mga [[Mga pangkat etniko sa Pilipinas|pangkat etniko]] at kalinangan ang matatagpuan sa saan mang sulok ng bansa. Noong sinaunang panahon, ang mga [[Mga Negrito|Negrito]] ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga [[Mga Austronesyo|Austronesyo]]. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga [[Intsik]], Malay, [[India|Indiyano]], at mga bansang [[Islam|Muslim]]. Maraming mga magkakakompetensiyang bansa o bayan tulad ng [[Bayan ng Tondo|Tondo]], [[Kaharian ng Maynila|Maynila (bayan)]], [[Ma-i]], [[Konpederasyon ng Madyaas|Madyaas]] at [[Sultanato ng Sulu|Kasultanan ng Sulu]] angna naitatag sa ilalim ng pamumunò ng mga [[Datu]], [[Raha]], [[Sultan]], at [[Lakan]].
 
Ang pagdating ni [[Fernando de Magallanes]] sa [[Homonhon]], [[Silangang Samar]] noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila, ngunit naudlot ito nang mamatay siya sa [[Labanan sa Mactan]] kay [[Lapu-Lapu]], ang Datu ng Mactan. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si [[Ruy López de Villalobos]], ang kapuluan na ''Las Islas Filipinas'' (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni [[Felipe II ng Espanya]]. Sa pagdating ni [[Miguel López de Legazpi]] mula sa [[Lungsod ng Mehiko]] noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa [[Imperyong Kastila]] nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang [[Katolisismo]] ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa [[Acapulco]] sa [[Kaamerikahan]] gamit ang mga [[Galeon ng Maynila|galyon ng Maynila]].
Nang magbigay daan ang ika-19 na dantaon sa ika-20, sumunod ang pagsiklab at tagumpay ng [[Himagsikang Pilipino]], na nagpatatag sa sandaling pag-iral lamang ng [[Unang Republika ng Pilipinas]], na sinundan naman ng madugong [[Digmaang Pilipino-Amerikano]] ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng [[Estados Unidos]]. Sa kabila ng [[Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas|pananakop ng mga Hapon]], nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang [[Rebolusyong EDSA ng 1986|di-biyolentong rebolusyon]].
 
Malaking ambagimpluwensiya o pagbabago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang [[Espanya]] (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking ambagimpluwensiya na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.
 
Tanyag ang bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring panluwas at sa kanyang mga Pilipinong Manggagawa sa Ibayong-Dagat o OFW. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remitans na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang [[teknolohiyang pang-impormasyon|teknolohiyang pangkaalaman]] sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga ''call center'' na naglipana sa bansa.
 
Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng [[Mga Nagkakaisang Bansa]], [[Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan]], [[Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya]], ang [[Asia-Pacific Economic Cooperation|Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko]], at ang [[East Asia Summit|Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya]]. Nandito rin ang himpilan ng [[Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya]]. Itinuturing ang Pilipinas bilangna isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na [[Kristiyanismo]] ang pangunahing pananampalataya,. yaongYaong isa pa ay ang [[Silangang Timor]].
 
Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ng kapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay, labis na bilang ng tao at ''extra-judicial killings'' o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat ng terorismo tulad ng [[Abu Sayyaf]] at [[Pangkat ng Maute|Maute]] sa Mindanao at [[Bagong Hukbong Bayan]].
40

edit