Pergamo: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
(Bagong pahina: Ang '''Pergamo''' or '''Pergamon''' (Sinaunang Griyego: τὸ Πέργαμον o ἡ Πέργαμος) ay isang dating mayaman at makapangyarihang Si...)
 
No edit summary
 
Ang '''Pergamo''' or '''Pergamon''' ([[Wikang Sinaunang Griyego|Sinaunang Griyego]]: τὸ Πέργαμον o ἡ Πέργαμος) ay isang dating mayaman at makapangyarihang [[Sinaunang Gresya|sinaunang Griyegong]] lungsod sa [[Aeolis]]. Ito ay matatagpuan 26 na kilometro (16 na mi) mula sa modernong baybayin ng [[Dagat Egeo]] sa [[promontoryo]] sa hilagang bahagi ng Ilog [[Caicus]] (ngayon ay [[Bakırçay]]) at hilagang-kanluran ng modernong lungsod ng [[Bergama]], [[Turkey|Turkiya]].
 
Noong [[panahong Helenistiko]], ito ang naging kabesera ng [[Kaharian ng Pergamo]] sa ilalim ng [[dinastiyang Attalid]] noong 281 – 133 BK, na ginagawa ang lungsod bilang isa sa mga pangunahing sentrong pangkultura ng kabihasang Griyego. Marami sa mga labi ng mga kaakit-akit na pook nito ang nariyan pa rin, lalo na sa natatanging obra maestra na [[Altar ng Pergamo]].<ref>The Pergamon Altar, P. v Zaubern, Staatliche Museen zu Berlin, 1991</ref> Ang Pergamo ang nasa pinakahilaga sa [[Pitong simbahan ng Pahayag|pitong simbahan ng Asya]] na nasa [[Aklat ng Pahayag]] ng [[Bagong Tipan]].
 
Ang lungsod ay nakasentro sa isang 335-metrong kataas (1,099 talampakan) na [[Talampas|mesa]] ng [[andesita]] na kinatitirikan ng [[akropolis]] ng lungsod. Ang mesa ay bumabangin sa dakong hilaga, kanluran, at silangan, ngunit tatlong natural na batalan sa bahaging timog ang ginagamit na ruta paakyat. Sa kanluran ng akropolis, ang [[Selinoutas|Ilog Selinus]] (ngayon ay Bergamaçay) ay umaagos sa lungsod, habang ang Ilog Ketios (ngayon ay Kestelçay) ay dumadaan sa silangan.