Ikatlong Republika ng Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
JWilz12345 (usapan | ambag)
No edit summary
JWilz12345 (usapan | ambag)
Linya 33:
[[Talaksan:Ramon F Magsaysay.jpg|150px|right]]
Si '''[[Ramon Magsaysay]]''' ang kalihim ng [[Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Pilipinas)|Tanggulang Pambansa]] sa ilalim ng administrasyong Quirino. Kaniyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kaniyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Sumuko sa kaniya si [[Luis Taruc]], ang Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kaniyang pagiging tanyag. Ilan sa kaniyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: Ang pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistemang patubig, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng paggamit ng [[Barong Tagalog]] sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO ([[Southeast Asia Treaty Organization]]), isang panrehiyon na politiko-militar na agregasyon, noong Setyembre 18, 1954; negosasyon sa Hapon ukol sa kasunduan ng [[bayad-pinsala sa digmaan]] kung saan ay huling nilagdaan sa [[Maynila]] (ang bansang Hapon ay magbabayad ng bayad-pinsala sa digmaan nagkakahalaga ng $300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang [[Kasunduang San Francisco]], kung saan opisyal na nagpawakas sa bansang Hapon at Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit nagwakas ito nang mamatay siya dahil sa [[Pagbagsak ng Cebu Douglas C-47 ng 1957|isang pagbagsak ng eroplano]] na bumangga sa [[Bundok Manunggal]] malapit sa [[Balamban]], [[Cebu]] noong Marso 17, 1957.
 
[[Talaksan:1957 Cebu Douglas C-47 crash site.jpg|thumb|Pagbagsak ng eroplano sa Bundok Manunggal, na ikinamatay ni Magsaysay]]
 
;Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Magsaysay: