Jojit fb

== Tungkol sa akin ==
 
Pinanganak ako sa [[Lungsod ng Pasig|Pasig]], [[Pilipinas]] at lumaki ako doon. Taas-noo kong masasabi na nagtapos ako sa mga pampublikong paaralan at pamantasang pang-estado. Nagtapos ako ng elementraya sa Mababang Paaralan ng Pineda, Pasig, atNatapos din ako sa Mataas na Paaralan ng Rizal, Pasig, na minsang tinuring ng Guiness Book of World Records bilang pinakamalaking paaralan ayon sa laki ng populasyon. Nagtapos naman ako sa [[Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas]] sa kursong Batsilyer sa Pangangasiwa ng Pagproseso ng Datos ng Kompyuter (''Bachelor in Computer Data Processing Management'').
 
Ako ay isang Manunuri ng Sistema/Taga-programa ng Web (''Systems Analyst/Web Developer'') bilang aking propesyon. Madalas akong magbigay ng panayam sa Katolikong Karismatikong Pamayanan ng Flock of the Holy Spirit sa Lungsod ng Pasig, Pilipinas, kung saan ako rin ang Punong-lingkod sa mga Ministeryo. Sa kaparehong organizasyon, naging Pinuno ng Ministeryo ng Edukasyon simuladin noongako mula 2007 hanggang 2019. Mula 2014 hanggang 2016, ako ay naging isa mga Punong Tagapaglingkod ng pamayanan bilang Lingkod ng mga Kalalakihan at ang Kalihim ng PASTEM. Naging Ingat-Yaman din ako ng pamayanang iyon mula Enero 1, 2017 hanggang Pebrero 28, 2018
 
Asawa ako ni [[:en:User:Billie bb|Billie bb]], isang Wikimedista. Siya ay dating aktibong kasapi rin ng Wikimedia Pilipinas.