Content deleted Content added
Lam-ang (usapan | ambag)
m gen fixes using AWB
Linya 172:
| title = Ang batas ng ahedres
| url=http://www.chessvariants.org/d.chess/chess.html
| accessdate = 2008-01-07}}{{enin iconlang|en}}</ref>
* Wala sa mga gagawa ng aksiyon ang nakagalaw na;
* Walang nakaharang sa pagitan ng hari at ng toreng pupuntahan;
Linya 209:
Liban sa mga larong isinasagawang walang oras, nilalaro din ang ahedres nang may oras, kadalasan ng mga propesyonal na manlalaro. Kung mauubusan ng oras ang isang manlalaro bago matapos ang laro, pagkatalo ang ibigsabihin nito. Ang pag-ooras ay kadalasang mula sa mga mahabang mga laro na natatapos sa pitong oras hanggang sa mga mas maikli pang mga laro (''rapid chess'') na kadalasang kalahati hanggang sa isang oras bawat laro. Mas maikli pa ang ''blitz chess'' na nagbibigay sa bawat manlalaro ng tatlo hanggang sa labinlimang minuto sa bawat laro at ang ''bullet chess'' (mas maikli pa sa tatlong minuto).
 
Ang pandaigdig na mga patakaran ng ahedres ay higit pang ipinapaliwanag sa libreto ng ''FIDE'', seksiyon ''Patakaran ng Ahedres''.<ref>[[Pederasyong Pandaigdig ng Ahedres]]. [http://www.fide.com/official/handbook.asp?level=EE101 Batas ng Ahedres ayon sa FIDE.] Nakuha noong 30 Nobyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref>
 
== Stratehiya at taktika ==
Linya 233:
|__|__|kl|__|__|bl|__|rl|=
a b c d e f g h
| Pagkalipas ng 12. ... Re8 sa laban nina Tarrasch at Euwe noong 1922<ref>{{cite web |url = http://www.chessgames.com/perl/chessgame?gid=1006866 |title = Tarrasch vs Euwe sa chessgames.com (nangangailangan ng Java)}}{{enin iconlang|en}}</ref>………
}}
| {{Chess diagram small
Linya 249:
}}
|}
Ang pinakamadali ay ang pagbibilang ng ganap na halaga ng mga piyesa ng magkabiláng panig.<ref>Harding (2003), p. 1–7 {{enin iconlang|en}}</ref> Ang mga puntong ginagamit ay ayon sa karanasan; ang mga kawal ay pamilang, mga kabalyero at obispo ay tigtatlong puntos, mga tore ay limang puntos (ang pagkakaiba sa puntos sa pagitan ng isang tore at isang obispo ay kilala bilang ang palitan), at mga reyna na may siyam na puntos. Sa bandang huli, mas malakas ang hari kaysa sa mga kabayo at obispo (tinatawag na mga maliliit na piyesa) ngunit mas mahina kaysa sa tore kayâ binibigyan ito ng apat na puntos sa pakikipaglaban. Ang mga puntos na ito ay nababago ng iba pang mga aspeto tulad ng ''lagay ng piyesa'' (halimbawa, ang mga paing nakasulong na ay mas mahalaga kaysa sa mga paunang posisyon pa lamang), ''pagtutulungan ng mga piyesa'' (halimbawa, mas magandang magtulungan ang isang pares ng mga obisop kaysay sa isang kabalyero at isang obispo), o ''uri ng posisyon'' (mas maganda ang lagay ng mga kabalyero sa mga saradong posisyon na may maraming pain samantalang mas malakas ang mga obispo sa mga bukas na posisyon).
 
Isa pang mahalagang isipin sa pagsasaliksik sa mga posisyon ay ang pagkakaayos ng mga kawal.<ref>Harding (2003), p. 138ff {{enin iconlang|en}}</ref> Dahil ang mga kawal ay ang pinakamabagal sa lahat ng mga piyesa, ang pagkakaayos ng mga ito ay hindi kadalasang nagagalaw at nakaka-impluwensiya sa stratehikong kalagayan ng posisyon. Ang mga kahinaan sa pagkakaayos ng mga kawal, katulad ng mga naiwanan, nadoble o patalikod na kawal, matapos malikha, ay kadalasang ganap na. Kailangan ang pag-iingat sa pag-iwas sa ganitong kalagayan maliban na lamang kung ito ay may kapalit na isa pang mahalagang aspeto (katulad ng posibilidad ng pagsugod).
 
== Mga pangangailangan ng taktika ==
Linya 259:
Sa ahedres, ang mga taktika sa pangkalahatan ay nagmumula sa mga panandaliang mga galaw — napakapanandalian kaya makakalkula agad ng isang tao o ng isang makina. Ang lalim ng pagkalkula ay dumedepende sa kakayahan ng manlalaro o sa bilis ng makina. Sa mga saradong posisyon na may maraming mapagpipilian ang magkabilang panig, ang isang malalim na pag-analisa ay hindi magagawa, samantalang sa mga taktikal na posisyon an kakaunti lang ang mga puwersadong galaw, posible ang pagkalkula sa mga mahahabang pagkakasunod-sunod ng mga galaw.
 
Ang mga payak na mga isa o dalawang galaw na aksiyong taktikal — mga tangka, palitan, dobleng pag-atake atbp. — ay mapagsasama sa isang mas komplikadong ''uri'', taktikal na mga paggalaw, kadalasang sapilitan sa isa o dalawang panig. Ang mga mananaliksik ay nakagawa na ng maraming mga taktikal na paraan at mga kadalasang mga galaw, gaya ng ''pin'', dobleng pag-atake, pagpapatanggal ng harang, tinanggal na pag-atake (lalo na kung sa hari), ''zwischenzug'', deflections, mga paghuli, sakripisyo, pagtanggal ng bantay, pagtambak ng babantayan, at mga pagharang.<ref>Harding (2003), p. 8ff {{enin iconlang|en}}</ref>
 
Ang isang sapilitang galaw na kaugnay ng isang sakripisyo at nagresulta sa isang kanais-nais na lamang ay tinatawag na kombinasyon.<ref>Harding (2003), p. 70ff {{enin iconlang|en}}</ref> Ang mga mabubuting kombinasyon — gaya ng matatagpuan sa ''Walang Kamatayang Laban'' — ay sinasabing maganda at kinagagahdahan ng mga manlalaro. Ang paghahanap ng mga kombinasyon ay kasama sa isang pangkaraniwang uri ng mga problema sa ahedres na nauukol sa pagpapalawak ng kakayahan ng mga manlalaro.
 
=== Pagbubukas ===
Linya 268:
Ang isang pagbubukas ay isang grupo ng mga paunang galaw ng laro. Ang mga kilalang pagkakasunod-sunod ng mga galaw ay tinatawag na ''pagbubukas'' at nabigyan na ng kani-kaniyang pangalan gaya ng Ruy Lopez at Depensang Siciliano. Ibinubukod sila sa mga akda tulad ng ''Ensiklopedia ng mga Pagbubukas sa Ahedres''.
 
Dose-dosena ang dami ng mga pagbubukas, kadalasang nagkakaiba sa uri mula sa posisyonal (katulad ng Pagbubukas ni Réti) hanggang sa napaka-aggresibo (gaya ng Sakripisyong Latviano). Sa ibang linya ng pagbubukas, ang eksaktong mga galaw ay ang ipinapalagay na pinakanakakabuti sa magkabilang paning na inanalisa na ng 30-35 mga galaw o mas mahaba pa.<ref>{{cite book | author= Collins, Sam| title=Understanding the Chess Openings |publisher=Gambit Publications| year=2005 | id=ISBN 1-904600-28-X}}{{enin iconlang|en}}</ref> Ang mga propesyonal na manlalaro ay kadalasang naglalaan ng ilang taon sa pag-aaral ng mga pagbubukas, at itinutuloy iyon sa kanilang mga karera sapagkat patuloy na pinapalago ang <!--Teorya sa Ahedres#Teorya sa pagbubukas-->teorya sa pagbubukas.
 
Ang kadalasang inaasam ng mga pagbubukas ay katulad din:<ref>{{cite book | author=Tarrasch, Siegbert | title=The Game of Chess |publisher=Courier Dover Publications| year=1987 | id=ISBN 0-486-25447-X}}{{enin iconlang|en}}</ref>
* ''Pagpapaunlad —'' paglalagay ng mga piyesa (kadalasang mga obispo o kaya'y kabalyero) sa mga magandang parisukat kung saan makaka-impluwensiya sila sa takbo ng laro;
* ''Hawak sa gitna — s''a paghawak ng mga panggitnang parisukat, madali ang paggalaw ng mga piyesa sa kahit anong kuwadrado, at maaring makasikip sa kalaban;
Linya 282:
=== Kalagitnaan ===
 
Ang kalagitnaan ay ang bahagi ng laro kung saan napapakinabangan na ang marami sa mga piyesa. Dahil nagwakas na sa puntong iyon ang pagbubukas, kailangang malaman ng mga manlalaro ang tayo ng posisyon, gumawa ng mga plano ayon sa mga kalakasan ng mga posisyon, at isaisip din ang mga taktikal na posibilidad sa posisyon.<ref>Harding (2003), p. 32–151 {{enin iconlang|en}}</ref>
 
Ang mga pangkaraniwang plano o temang stratehikal — gaya ng pag-atake ng minorya, ang pagsugod ng mga pain ng reyna sa mga pain ng kalaban — ay kadalasang nababagay sa ibang istraktura ng mga pain, na lumalabas sa isang bukod na grupo ng mga pagbubukas. Ang pag-aaral ng mga pagbubukas ay samakatuwid dapat na i-ugnay sa mga paghahandang dapat gawin sa mga lalabas na posisyon.
Linya 306:
| Isang halimbawa ng ''zugzwang'': ang gagalaw na panig ay kailangang magbigay.}}
 
Ang katapusan ay ang bahagi ng laro kung saan kakaunting mga piyesa na lamang ang natira sa laban. Tatlo ang pagkakaibang stratehikal ng katapusan sa ibang bahagi ng laro:<ref>Harding (2003), p. 187ff {{enin iconlang|en}}</ref>
* Sa katapusan, mas mahalaga na ang mga kawal; kadalasang tumatakbo ang bahaging ito sa pagtatangkang pataasin ang ranggo nito pagdating sa ikawalong rango ng kalaban.
* Ang hari, na dapat na protektahan sa kalagitnaan sa banta ng pagkahuli, ay nagiging isang malakas na piyesa sa katapusan at kadalasang pumupunta sa gitna kung saan mababantayan nito ang kanyang mga kawal, masugod ang mga kalabang kawal, at pabagalin ang kilos ng kalabang hari.
Linya 326:
| year=1913
| isbn=0-936317-01-9
| oclc=13472872}}{{enin iconlang|en}}</ref> kung saan ''chaturanga'' ang una nitong anyo noong ika-anim na siglo [[Anno Domini|A.D.]], na ang ibig sabihi'y "apat na sangay ng sandatahan" — sundalo, kabalyero, elepante at karwahe, na katumbas ng pain, kabalyero, obispo at tore. Sa palibot ng taong 600 sa [[Persia]], naging ''shatranj'' ang pangalan nito at pinaunlad pa ang mga alituntunin. Nakuha ng mga Muslim ang Shatranj matapos nilang masakop ang Persia, at pinangalagaan ang mga Persong pangalan. Sa [[Wikang Espanyol|Espanyol]], naging "ajedrez" ang pangalan ng "shatranj" (na pinagmulan ng Tagalog na pangalan), naging "xadrez" sa [[Wikang Portuges|Portuges]] at naging "zatrikion" sa [[Wikang Griyego|Griyego]], ngunit sa ibang panig ng Europa ay napalitan ng ibang bersion ng Persong ''shāh'' ("hari").
 
[[Talaksan:KnightsTemplarPlayingChess1283.jpg|thumb|''Mga Kabalyero ng Templo'' habang naglalaro ng ahedres, ''Libro de los juegos'', 1283.]]
Linya 338:
| year=1998
| isbn=0-9637852-2-2
| oclc=39281682}}{{enin iconlang|en}}</ref>.
 
=== Umpisa ng makabagong laro (1450-1850) ===
Linya 345:
[[Talaksan:JaquesCookStaunton.jpg|thumb|left|Sinaunang mga piyesa ni Howard Staunton na pag-aari ni Nathaniel Cook mula 1849]]
 
Noong taong 1200, nabago ang mga alituntunin ng shatranj, at narating na ng ahedres ang kasalukuyan nitong kalagayan noong 1475.<ref name = "tacspx"/> Ang mga makabagong mga alituntuning ito'y nakuha ng [[Italya]]<ref>Davidson (1981), p. 13–17 {{enin iconlang|en}}</ref> at ng [[Espanya]]<ref name = "nauiua">Calvo, Ricardo. [http://www.goddesschess.com/chessays/ricardovalencia.html Valencia, Spain: The Cradle of European Chess]. Nakuha noong 10 Disyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref>. Nakuha ng mga kawal ang kakayahang lumakad ng dalawang parisukat sa unang galaw, habang nakuha naman ng mga obispo at ng mga reyna ang kanilang kasalukuyang mga galaw. Dahil dito, naging pinakamakapangyarihan ang reyna: ang makabagong ahedres ay tinawag na "Ahedres ng Reyna" o di kaya "Ahedres ng Nanggigigil na Reyna"<ref>Isang pag-analisa mula sa makababaeng paningin: {{cite book | author=Weissberger, Barbara F.| title=Mga batas ni Isabel: pagiging reyna, pagiging makapangyarihan |publisher=University of Minnesota Press| year=2004 | isbn=0-8166-4164-1 | oclc=217447754}} P. 152ff</ref> Ang mga makabagong batas na ito'y nakuha ng buong kanlurang Europa, maliban sa mga alituntunin sa pagkakakulong ng hari, na naging ganap noong ika-labingsiyam na siglo.<ref>Tingnan ang <!--Pagkakakulong ng hari#Kasaysayan-->Kasaysayan ng pagkakakulong ng hari.</ref>
 
Ito rin ang panahon nang mag-umpisang malinang ang teorya sa ahedres. Ang pinakamatandang preserbadong aklat ng ahedres, ''Repetición de Amores y Arte de Ajedrez'' ("Pag-uulit ng Pagmamahal at Sining ng Paglalaro ng Ahedres") ng Espanyol na si Luis Ramirez de Lucena ay inilimbag sa Salamanca noong 1497.<ref name = "nauiua"/> Si Lucena, kasama ng iba pang mga manlalaro tulad ng Portuges na si Pedro Damiano, mga Italyanong sina Giovanni Leonardo Di Bona, Giulio Cesare Polerio at Gioachino Greco, at ng Espanyol na obispong si [[Ruy López de Segura]] ay lumikha ng mga bahagi ng mga pagbubukasa at nag-umpisang mag-analisa ng mga payak na katapusan. [[Talaksan:André Philidor.jpg|right|thumb|François-André Danican Philidor, isang manlalarong Pranses.]]
Noong ikalabinwalong siglo, nalipat ang sentro ng ahedres mula sa Timog Europa sa [[Pransiya]] Ang dalawang pinakamahalagang manlalaro ay sina François-André Danican Philidor, isang manunugtog, na nakatuklas sa kahalagahan ng mga kawal sa stratehiya sa ahedres, at kalaunan si Louis-Charles Mahé de La Bourdonnais na tumalo sa Irlandes na Granmaestrong [[Irlanda|Irlandes]] na si Alexander McDonnell sa isang serye ng mga laban nong 1834.<ref>[http://www.chessgames.com/perl/chessplayer?pid=31596 Louis Charles Mahe De La Bourdonnai.] ''Chessgames.com''. Nakuha noong 30 Nobyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref> Ang sentro ng ahedres sa panahong ito ay ang mga kapihan sa mga malalaking siyudad ng Europa gaya ng ''Café de la Régence'' sa [[Paris]]<ref>{{cite book | author=Metzner, Paul| title=Crescendo of the Virtuoso: Spectacle, Skill, and Self-Promotion in Paris during the Age of Revolution |publisher=Berkeley: University of California Press| year=1998 | isbn=0-520-20684-3 | oclc=185289629}} [http://ark.cdlib.org/ark:/13030/ft438nb2b6/ Online version] {{enin iconlang|en}}</ref> at ang <!--Simpson's-in-the-Strand-->''Divan ni Simpson'' sa [[Londres]].<ref>Bird, Henry Edward. [http://www.gutenberg.org/etext/4902 Chess History and Reminiscences]. Nakuha noong 10 Disyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref>
 
Sa paglipas ng ikalabingsiyam na siglo, mabilis na sumibol ang organisasyon ng ahedres. Maraming samahan, aklat at peryodikong patungkol sa ahedres ang lumabas. Naglaro na ang mga bayan, gaya ng laban sa pagitan ng Samahang Ahedres ng Londres at Samahang Ahedres ng [[Edinburgh]] noong 1824.<ref>[http://www.chessgames.com/perl/chessplayer?pid=80740 London Chess Club.] ''Chessgames.com''. Nakuha noong 30 Nobyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref> Naging palagian sa mga pahayagan ang mga tanong patungkol sa mga suliraning pang-ahedres; ginawa nina Bernhard Horwitz, Josef Kling at Samuel Loyd ang ilan sa mga pinaka-kilalang mga problema. Magkasamang ipinalabas nina Tassilo von Heydebrand und der Lasa at Paul Rudolf von Bilguer ang ''Handbuch des Schachspiels'' (''Libreto ng Ahedres''), ang kauna-unahang detalyadong manwal ng pag-aaral ng ahedres.
 
=== Pagsilang ng isang palakasan (1850-1945) ===
[[Talaksan:immortal game animation.gif|frame|left|Ang "Immortal Game" o Walang Kamatayang Laban, Anderssen-Kieseritzky, 1851]]
Ang unang makabagong torneo ng ahedres ay <!--Torneo ng Ahedres sa Londres, 1851-->ginanap sa Londres noong 1851 at pinagwagian ng baguhang Alemang si Adolf Anderssen. Pinuri siya bilang ang nangungunang manlalaro at ang kanyang maganda at buhay — ngunit sa pananaw ng mga nasa kasalukuya'y mababaw ang istratehiya — na paraan ng pagsugod ay madalas na ginamit noong araw na iyon.<ref>[http://web.archive.org/web/2006/worldchessnetwork.com/English/chessHistory/salute/matchesTournaments/london1851.php World Title Matches and Tournaments - Chess history.] ''worldchessnetwork.com'' {{enin iconlang|en}}</ref> Ang mga nagniningning na laro gaya ng ''Walang Kamatayang Laban'' ni Anderssen o di kaya'y ang ''Laro sa Opera'' ni Paul Morphy ay sinasabing ang pinakamataas na naabot ng sining ng ahedres.<ref>{{cite book | author=Burgess, Graham, Nunn, John and Emms, John | title=The Mammoth Book of the World's Greatest Chess Games |publisher=Carroll & Graf Publishers| year=1998 | isbn=0-7867-0587-6 | oclc=40209258}}, p. 14. {{enin iconlang|en}}</ref>
 
Lalo pang lumalim ang pag-aaral ng ahedres sa pagdating ng dalawang batang manlalaro. Ang [[Estados Unidos|Amerikanong]] si Paul Morphy, isang batang maestro, ay nagtagumpay sa pakikipagtagisan sa lahat ng mahalagang kalaban, kasama si Andressen, sa kanyang maikling karera sa ahedres mula 1857 hanggang 1863. Nanggaling ang kanyang tagumpay mula sa pagsasama ng mahuhusay na pag-atake at katanggap-tanggap na istratehiya: alam niyang maghanda sa pagsugod.<ref>{{cite book | author=Shibut, Macon | title=Paul Morphy and the Evolution of Chess Theory |publisher=Courier Dover Publications| year=2004 | isbn=0-486-43574-1 | oclc=55639730}}</ref> Di nagtagal, ipinakita ni Wilhelm Steinitz (na galing sa [[Prague]], Republikang Tseka) ang pag-iwas sa mga kahinaan sa sariling tindig at paano gumawa at gumamit sa mga kahinaan ng kalaban.<ref>{{cite book | author=Steinitz, William and Landsberger, Kurt | title=The Steinitz Papers: Letters and Documents of the First World Chess Champion |publisher=McFarland & Company| year=2002 | isbn=0-7864-1193-7 | oclc=48550929}}</ref> Dagdag pa sa kanyang mga tagumpay na teoretikal, lumikha pa siya ng mahalagang tradisyon: ang kanyang tagumpay sa nangungunang maestrong Alemang si Johannes Zukertort noong 1866 ay sinasabing ang unang opisyal na Pandaigdigang Kampeonato ng Ahedres. Natalo naman si Steinitz noong 1894 sa isang batang Alemang matematikong si Emanuel Lasker, na humawak sa titulo sa loob ng 27 na taon (pinakamahaba sa kasaysayan ng ahedres).<ref>Kasparov (1983a), p. 117</ref>
Linya 363:
Sa pagitan ng mga digmaang pandaigdig, binago ang ahedres ng isang teoretikong grupo ng mga tinatawag na <!--Hipermodernismo (ahedres)-->hipermodernista tulad nina Aron Nimzowitsch at Richard Réti. Sinuportahan nila ang paghawak sa gitna ng palaruan ng mga malalayong piyesa (hindi mga gitnang kawal), na nagtutulak sa mga kalaban na umokupa sa gitna gamit ang mga kawal, na kalauna'y susugurin.<ref>Fine, Reuben (1983)</ref>
 
Mula noong ika-dalawampung siglo, dumami ang bilang ng mga taun-taong mga torneo at lumago ang mga labanan. May ilang nagsasabing ang titulong ''Internasyunal na Granmaestro ng Ahedres'' ay unang pormal na ibinigay ni Sar Nicolas II ng Rusya kina Lasker, Capablanca, Alekhine, Siegbert Tarrasch at Frank Marshall, ngunit hindi pa ito natitiyak.<ref>Sinasabi ito sa ''Ensiklopedia ng Ahedres'' (1970, p.223) ni Anne Sunnucks, ngunit pinapabulaanan ni Edward Winter (manunulat ng kasaysasan ng ahedres) sa kanyang [http://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:Uv0K9qUrveUJ:www.chesshistory.com/winter/winter38.html+site:chesshistory.com/winter+Grandmaster+Tsar&hl=en&ct=clnk&cd=1&gl=us mga Tala sa Ahedres bilang 5144 at 5152]. {{enin iconlang|en}}</ref> Ang tradisyong ito'y ipinagpapatuloy ng [[Pederasyong Pandaigdig ng Ahedres]] (FIDE), itinatag noong 1924 sa [[Paris]]. Noong 1927, binuksan ang Pandaigdigang Pangkabababaihang Kampeonato ng Ahedres: ang pinakaunang nagwagi dito ay ang Tseko-Ingles na maestrang si Vera Menchik.<ref>[http://www.chessgames.com/perl/chessplayer?pid=13277 Menchik at ChessGames.com]. Nakuha noong 11 Disyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref>
 
=== Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (mula 1945) ===
Linya 369:
Matapos mamatay si Alekhine, isang bagong kampeon ang hinanap sa isang torneo ng mga mahuhusay na manlalaro (na pinangasiwaan ng FIDE na may kapangyarihan sa titulo). Ang nagwagi sa torneo noong 1948, ang Rusong si Mikhail Botvinnik, ay nag-umpisa sa paghahari ng Unyong Sobyet sa ahedres. Hanggang sa magwakas ang Unyong Sobyet, ang Amerikanong si Bobby Fischer (kampeon, 1972–75) lamang ang nagtagumpay na pumutol (nang saglit) sa paghahari ng mga Ruso.<ref>Kasparov, Gary (2003b), (2004a), (2004b), (2006)</ref>
 
Sa nakaraang sistemang impormal, mamimili ang kampeon sa mga hahamon sa kanya at napilitan ang nanghahamon na maghanap ng mga isponsor para sa laban.<ref name="Chess History">{{cite web| title = Chess History|url=http://www.thechessplace.com/page/976499| accessdate = 2008-01-07}}{{enin iconlang|en}}</ref> Gumawa ang FIDE ng isang bagong sistema ng mga torneo at laban. Ang mga pinakamagagaling na manlalaro ng daigdig ay pinipili sa "torneong Interzonal", kung saan kasama nila ang iba pang manlalarong nakapasa sa mga ''torneong sonal''. Ang mga nangunguna sa torneo ay magiging kandidato, noong una'y torneo, nang maglao'y naging isang serye ng mga pagtatanggal sa mga talunan. Kakalabanin naman ng nagwagi sa mga kandidato ang kasalukuyang kampeon para sa titulo. Ang isang natalong kampeon ay maaring muling makipaglaban matapos ang isang taon. Ang sistemang ito ay inuulit sa loob ng tatlong taon.<ref name="Chess History"/>
 
Sumali si Botvinnik sa kampeonato sa loob ng labinlimang taon. Napagwagian niya ang pandaigdigang torneo noong 1948 at napangalagaan niya ito matapos ang tabla sa mga laban noong 1951 at 1954. Noong 1957, natalo siya kay Vasily Smyslov, ngunit nakuha niyang muli ang korona matapos ang muli nilang paghaharap noong 1958. Nakuha mula sa kanya ng Latvianong si Mikhail Tal ang titulo, isang agresibong manlalarong magaling sa taktika. Nakuha muli ni Botvinnik ang titulo nang muli silang magtuos noong 1961.
Linya 378:
Ang sumunod na kampeonato, ang tinawag na Laban ng Siglo (Pandaigdigang Kampeonato sa Ahedres, 1972), ay dinaluhan ng Amerikanong si Bobby Fischer, na tumalo nang lubusan sa kanyang mga kalaban at napagtagumpayan ang kampeonato. Noong 1975, tinanggihan ni Fischer na ipagtanggol ang kanyang titulo sa Rusong si Anatoly Karpov nang inayawan ng FIDE ang kanyang mga hinihiling, at nakuha ni Karpov ang titulo. Dinepensahan niya ang kanyang titulo laban kay Viktor Korchnoi at pinagharian ang halos isang buong dekada sa pagtatagumpay sa torneo.<ref>Kasparov, Gary (2003a), (2006)</ref>
 
Nagwakas ang paghahari ni Karpov noong 1985 sa kamay ng isa pang Rusong manlalaro, si [[Garry Kasparov]]. Muli silang nagtuos<!--mula 1984--> hanggang 1990 kung saan bigong mabawi ni Karpov ang kanyang titulo.<ref>{{cite book | author=Keene, Raymond | title=Gary Kasparov's Best Games |publisher=B. T. Batsford Ltd. | year=1993 | isbn=0-7134-7296-0 | oclc=29386838}}, p. 16. {{enin iconlang|en}}</ref>
 
Kumalas sina Garry Kasparov at Nigel Short sa FIDE noong 1993 upang mag-ayos ng kanilang kalaban at nagtatag ng hiwalay na Asosasyon ng Propesyonal na Ahedres (PCA). Mula noon hanggang 2006, dalawa ang magkasabay na kampeonato at dalawa rin ang kampeon: ang PCA o Klasiko sa pagbuhay sa tradisyon ni Steinitz kung saan ang kasalukuyang kampeon ay nakikipaglaban sa humahamon sa isang serye ng maraming laro; ang isa'y sumusunod sa itinakda ng FIDE na paglalaban sa isang torneo upang malaman ang kampeon. Sa kabilang dako, nakuha ng Rusong si Vladimir Kramnik ang klasikong titulo ni Kasparov noong 2000.
 
Muling pinag-isa ng Pansandaigdigang Kampeonato ng FIDE sa Ahedres 2006 ang mga titulo, nang tinalo ni Kramnik ang kampeon ng FIDE na si Veselin Topalov at itinanghal na nag-iisang kampeon ng ahedres.<ref>[http://www.chessgames.com/perl/chessplayer?pid=12295 Kramnik sa ChessGames.com]. Nakuha noong 13 Disyembre 2006 {{enin iconlang|en}}</ref> Noong Setyembre 2007, naging kampeon si Viswanathan Anand matapos ang isang kampeonato<ref>{{cite news | title=Viswanathan Anand regains world chess title | date=2007-09-30 | publisher=Reuters | url =http://in.reuters.com/article/sportsNews/idINIndia-29785520070930 | accessdate = 2007-12-13}}{{enin iconlang|en}}</ref>
 
== Katayuan sa kultura ==
Linya 441:
| title=E.I.01B. Appendices
| accessdate=2008-11-26
| publisher=FIDE}}</ref>
 
''Ang pinaikling alhebraikong pamamaraan'' ay nagtatala ng mga tira sa pormang ''pina-ikling Ingles na pangalan ng gumalaw na piyesa — titik ng pababang linyang pinuntahan — bilang ng pahalang na linyang pinuhtahan''.
 
Halimbawa, ang "Qg5" ay nangangahulugang "pumunta ang reyna sa pababang ''g'' at sa ikalimang pahalang na linya (sa kwadradong ''g5''). Kung dalawang magkahalintulad na piyesang maaring pumunta sa iisang kwadrado, isa pang titik o bilang ang idinadagdag upang maipakita ang pinanggalingan, Halimbawa, ang ''Ngf3''" ay nangangahulugang "ang kabalyero sa pababang g ay pumunta sa kwadradong f3''. ''Ang titik na P para sa kawal ay hindi ginagamit upang maipakitang ang "e4" ay mangangahulugang "ang kawal ay pumunta sa kwadradong e4".