Tao: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Removing "Homo_habilis-2.JPG", it has been deleted from Commons by Ciell because: per c:Commons:Deletion requests/Hominin photos violating FoP.
Linya 73:
 
====Mga pag-aangkop na pang-anatomiya====
 
[[File:Homo habilis-2.JPG|thumb|right|250px|Rekonstruksiyon ng [[Homo habilis]] na unang ninuno ng tao na gumamit ng mga kasangkapang bato.]]
Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong [[morpolohikal]], pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-asal na nangyari simula ng paghihiwalay sa pagitan ng [[huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee]]. Ang pinaka mahalaga sa mga pag-aangkop(adaptations) na ito ang bipedalismo, lumaking sukat ng [[utak]], humabang [[ontoheniya]](hestasyon at pagiging sanggol) at nabawasang [[dimorpismong seksuwal]]. Ang relasyon sa pagitan ng lahat ng mga pagbabagong ito ay paksa ng nagpapatuloy na debate ng mga siyentipiko.<ref name=Boyd2003>{{cite book |author=Boyd, Robert; Silk, Joan B. |year=2003 |title=How Humans Evolved |location=New York, New York |publisher=Norton |isbn=0-393-97854-0}}</ref> Ang iba pang mahalagang mga pagbabagong morpolohikal ay kinabibilangan ng malakas at tumpak na paghawak na isang pagbabagong unang nangyari sa [[Homo erectus]].<ref name=Brues1965>{{cite journal |author=Brues, Alice M.; Snow, Clyde C. |title=Physical Anthropology |journal=Biennial Review of Anthropology |year=1965 |volume=4 |pages=1–39 |url=http://books.google.com/books?id=9WemAAAAIAAJ&pg=PA1}}</ref> Ang bipedalismo o paglakad gamit ang dalawang paa ang basikong pag-aangkop ng linyang Hominin at itinuturing na pangunahing sanhi sa likod ng isang hanay ng mga pagbabagong pang-kalansay na pinagsasaluhan ng lahat ng mga bipedal na hominin. Ang pinaka unang Hominin na bipedal ay itinuturing na ang ''[[Sahelanthropus]]''<ref name=Brunet2002>{{cite journal |author=Brunet, M.; Guy, F.; Pilbeam, D.; Mackaye, H.; Likius, A.; Ahounta, D.; Beauvilain, A.; Blondel, C.; Bocherens, H.; Boisserie, J.; De Bonis, L.; Coppens, Y.; Dejax, J.; Denys, C.; Duringer, P.; Eisenmann, V.; Fanone, G.; Fronty, P.; Geraads, D.; Lehmann, T.; Lihoreau, F.; Louchart, A.; Mahamat, A.; Merceron, G.; Mouchelin, G.; Otero, O.; Pelaez Campomanes, P.; Ponce De Leon, M.; Rage, J.; Sapanet, M.; Schuster, M.; Sudre, J.; Tassy, P.; Valentin, X.; Vignaud, P.; Viriot, L.; Zazzo, A.; Zollikofer, C. |title=A new hominid from the Upper Miocene of Chad, Central Africa |url=http://www.nature.com/nature/journal/v418/n6894/full/nature00879.html |journal=Nature |volume=418 |issue=6894 |pages=145–151 |year=2002 |pmid=12110880 |doi=10.1038/nature00879}}</ref> o ang ''[[Orrorin]]''. Ang [[Ardipithecus]] na isang buong bipedal ay kalaunang dumating. Ang mga naglalakad gamit ang bukod(gorilya at chimpanze) ay nag-diberhente sa mga parehong panahon at maaaring ang Sahelanthropus o ang Orrorin ang huling pinagsasaluhang ninuno ng tao sa gorilya at chimpanzee. Ang mga sinaunang bipedal ay kalaunang nag-ebolb sa ''[[Australopithecines]]'' at kalaunan ay sa henus na ''[[Homo]]''. May ilang mga teoriya ng halagang pag-aangkop ng bipedalismo. Posibleng ang bipedalismo ay pinaboran dahil ito ay nagpalaya sa mga kamay sa pag-aabot at pagdadala ng pagkain, dahil ito ay nagtipid ng enerhiya sa lokomosyon, dahil pumayag sa mahabang distansiyang pagtakbo at pangangaso o isang stratehiya sa pag-iwas ng hipertermiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng surpasiyong nalalantad sa direktang araw. Ang espesye ng tao ay nagpaunlad ng isang mas malaking [[utak]] kesa sa ibang mga [[primado]] na tipikal ay 1,330 [[cubic centimetres|cc]] sa mga modernong tao na higit dalawang beses ng sukat ng isang chimpanzee o gorilya.<ref name="Schoeneman">{{cite journal|title=Evolution of the Size and Functional Areas of the Human Brain|author= P. Thomas Schoenemann|journal=Annu. Rev. Anthropol|year= 2006|volume=35|pages=379–406}}</ref> Ang paterno ng ensepalisasyon ay nagsimula sa Homo habilis na sa tinatayang 600 cc ay may isang utak na katamtamang mas malaki sa utak ng chimpanzee, Ang ensepalisasyong ito ay nagpatuloy sa ''Homo erectus'' (800-1100 cc) at umabot sa pinakamataas sa mga [[Neandertal]] na may aberaheng sukat ng 1200-1900cc na mas malaki kahit sa mga Homo sapiens. Ang paterno ng pagkatapos ng kapanganakang paglago ng utak ay iba mula sa ibang mga ape([[heterokroniya]]) at pumapayag para sa tumagal na panahong pagkatutong panlipunan at pagkakamit ng wika sa mga batang tao. Gayunpaman, ang mga pagkakaiba ng istraktura ng utak ng tao at sa ibang mga ape ay maaaring mas mahalaga kesa sa mga pagkakaiba sa sukat.<ref name=Park2007>{{cite journal |author=Park, Min S.; Nguyen, Andrew D.; Aryan, Henry E.; U, Hoi Sang; Levy, Michael L.; Semendeferi, Katerina |title=Evolution of the human brain: changing brain size and the fossil record |journal=Neurosurgery |year=2007 |volume=60 |issue=3 |pages=555–562 |pmid=17327801 |doi= 10.1227/01.NEU.0000249284.54137.32}}</ref><ref name=Bruner2007>{{cite journal |author=Bruner, Emiliano |title=Cranial shape and size variation in human evolution: structural and functional perspectives |journal=Child's Nervous System |year=2007 |volume=23 |issue=12 |pages=1357–1365 |pmid=17680251 |url=http://www.emilianobruner.it/pdf/Bruner2007_CNS.pdf |format=PDF |doi=10.1007/s00381-007-0434-2}}</ref><ref>Potts, Richard. 2012. Evolution and Environmental Change in Early Human Prehistory. Annu. Rev. Anthropol. 41:151–67</ref><ref>Leonard, William R. , J. Josh Snodgrass, and Marcia L. Robertson. 2007. Effects of Brain Evolution on Human Nutrition and Metabolism. Annu. Rev. Nutr. 27:311–27</ref> Ang pagtaas sa bolyum ng utak sa paglipas ng panahon ay umapekto sa iba't ibang mga area sa utak ng hindi pantay. Ang [[lobong temporal]] na naglalaman ng mga sentro para sa pagpoproseso ng wika ay tumaas ng hindi proporsiyonal gayundin ang [[preprontal na korteks]] na nauugnay sa komplikadong pagggawa ng desisyon at nagpapagaan ng pag-aasal ng panlipunan.<ref name="Schoeneman"/> Ang ensepalisasyon ay naiugnay sa tumataas na pagbibigay diin sa diyeta<ref>{{cite web|url=http://berkeley.edu/news/media/releases/99legacy/6-14-1999a.html |title=06.14.99 - Meat-eating was essential for human evolution, says UC Berkeley anthropologist specializing in diet |work=Berkeley.edu |date=1999-06-14 |accessdate=2012-01-31}}</ref><ref>{{cite web|url=http://www.thefreelibrary.com/Meat+in+the+human+diet:+an+anthropological+perspective-a0169311689 |title=Meat in the human diet: an anthropological perspective. - Free Online Library |work=Thefreelibrary.com |date=2007-09-01 |accessdate=2012-01-31}}</ref> o sa pag-unlad ng pagluluto,<ref name=PNAS>{{cite web| url= http://www.pnas.org/content/108/35/14555.full?sid=95c4876b-9870-4259-888f-24a6179be4fc | title = Phylogenetic rate shifts in feeding time during the evolution of Homo | first = Chris | last = Organ | work= [[PNAS]] | date = 22 August 2011 | accessdate=17 April 2012}}</ref> at iminungkahi na ang katalinuhan ay tumaas bilang tugon sa tumaas na pangangailangan para sa paglutas ng mga problemang panlipunan habang ang lipunang pantao ay naging mas masalimuot. Ang nabawasang digri ng dimorpismong seksuwal ay pangunahing makikita sa isang pagbabawas ng [[ngiping kanino]] ng lalake relatibo sa ibang mga epesye ng ape(maliban sa mga gibbon). Ang isa pang mahalagang pagbabagong pisiolohikal na nauugnay sa seksuwalidad ng tao ang ebolusyon ng [[tagong estrus]]. Ang mga tao ang tanging mga ape kung saan ang babae nito ay [[pagpupunlay|mapupunlayan]] sa buong taon kung saan ay walang mga espesyal na hudyat ng pertilidad na nalilikha ng katawan gaya ng pamamaga ng organong seksuwal sa estadong [[estrus]]. Gayunpaman, ang mga tao ay nagpapanatili ng isang digri ng dimorpismong seksuwal sa distribusyon ng buhok ng katawan at taba sa balat at sa kabuuang sukat na ang mga lalake ay mga 25% mas malaki kesa mga lalake. Ang mga pinagsamang pagbabagong ito ay pinakahulugang resulta ng isang tumaas na pagbibigay diin sa bigkis ng magkapares bilang isang posibleng solusyon sa pangangailangan ng pamumuhunang pang-magulang sanhi ng tumagal na pagkasanggol ng supling nito.