Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Santa Claus"

Kinansela ang pagbabagong 1900700 ni 70.162.236.66 (Usapan)
Tatak: Manual revert Reverted
(Kinansela ang pagbabagong 1900700 ni 70.162.236.66 (Usapan))
Tatak: Undo Reverted
[[File:Papa Noel en la puerta de una jugueteria. Buenos Aires. Diciembre 2013..jpg|thumb|Santa Claus. Buenos Aires. Dic. 2013.]]
[[File:20121123 SantaClaus-Chicago.JPG|thumb]]
Si '''Santa Claus''', na karaniwang iniuugnay sa [[Pasko]], ay karaniwang inilalarawan bilang isang malaki, mataba at masayahing lalaki na nakasuot ng pulang damit na ginayakan ng puting palamuti. Ayon sa [[Estados Unidos|Amerikano]]ng bersiyon ng alamat, si Santa, kapag pinapaikli ang kaniyang pangalan, ay nakatira sa [[Hilagang Polo]] sa piling ng kaniyang asawang si [[Ginang Klaus]] o ''Mrs. Claus'', ilang mga [[duwende]] na gumagawa ng mga laruan, at mga [[usang reno]] na humihila ng kaniyang [[kareta]] o [[paragos]]. Sa bersiyong [[Nordiko]] ng alamat, nakikilala si Santa Claus bilang Amang Pasko o ''Father Christmas'' at sinasabing nakatira sa [[Lapland]], [[Finland]]. May kaugnayan din siya sa pagdadala ng mga regalo sa maliliit na mga bata tuwing Pasko sa pamamagitan ng pagpapadulas sa mga [[tsimneya]], at mayroong ding mga usang reno na humihila ng kaniyang paragos.
 
==Pinagmulan ni Santa Claus==
Ang tradisyon ay orihinal na nagmula sa Finland ([[mga bansang Nordiko]]) at lumaganap sa mundo. Pinaka pinaniniwalaan na nalikha ang Santa Claus magmula sa [[Olandes]] na [[Sinterklaas]] na ipinagdiriwang tuwing bisperas ni [[San Nicolas]] (Disyembre 5) sa Netherlands. Noong Kristiyanisasyon ng Hermanikong Europa, ang katauhang Sinterklaas ay maaaring nagsama ng mga elemento ng Diyos na si [[Odin]] na nauugnay sa paganong Diyos na ipinagdiriwang tuwing [[Yule]] at nanguna sa isang [[Wild Hunt]] na isang prusisyong makamulto sa kalangitan. Sa paglipas ng panahon, ang mga katangian ng katauhang SinterKlaas ay isinama sa mga katangian ng katauhang British na [[Father Christmas]] upang maging Santa Claus sa modernong panahon.
==Ibang katawagan==
Sa programang pantelebisyon na “Wowowin” na ipinalabas sa [[GMA Network|GMA]] 7 noong ika-31 ng Oktubre 2017,<ref>"Willie Revillame, nakilala si Santa Klaws sa Wowowin" [https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/wowowin/34982/watch-willie-revillame-nakilala-si-santa-klaws-sa-wowowin/story]</ref> kinausap si Santa ni Willie Revillame, ang host, at ipinakita sa lahat ng nanonood ang driver’s license ni Santa kung saan ang pangalan niya ay “Santa Klaws.”
 
Siya ay may lahing Pilipino at Irish. Siya rin ang tagapagtatag at punong opisyal sa pagpapaunlad ng negosyo o chief business development officer ng '''Pacific Santa’s Inc.'''<ref>[https://www.philippinecompanies.com/companyprofile/429553/pacific-santa-s]</ref>, isang kumpanya na rehistrado sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya<ref>[{{Cite web |title=Archive copy |url=http://bnrs.dti.gov.ph/bnrs-search/pdfOut/cde46c054ed591736c9c5417d916/BNRS-SearchResults.pdf] |access-date=2018-02-20 |archive-date=2018-02-19 |archive-url=https://web.archive.org/web/20180219151709/http://bnrs.dti.gov.ph/bnrs-search/pdfOut/cde46c054ed591736c9c5417d916/BNRS-SearchResults.pdf |url-status=dead }}</ref> na dumadalo at nagbibigay ng kasayahan sa mga kaganapan ng mga korporasyon at naglulunsad ng mga kampanyang pangkawanggawa para sa mga mahihirap, lalo na ang mga bata <ref>"It’s a Christmas carol holiday at The Manila Hotel", Philippine Daily Inquirer, Nov. 20, 2015. Retrieved 2018-2-21[http://lifestyle.inquirer.net/244858/its-a-christmas-carol-holiday-at-the-manila-hotel/]</ref>, mula noong itinatag ito noong ika-6 ng Pebrero 1964.
 
Ayon sa isang ulat ng [[Manila Bulletin]]<ref>Angelo G. Garcia, "Santa is in town and he's at the Manila Hotel," Manila Bulletin,Nov, 20, 2016 [https://lifestyle.mb.com.ph/2016/11/20/santa-is-in-town-and-hes-at-the-manila-hotel/]</ref>, ipinanganak si Santa Klaws sa Zamboanga. Isang Pilipinong mestizo ang kanyang ama habang isang Irish ang kanyang ina. Nagsimula siyang magbihis ng kasuotang Santa sa edad na 15 taon, at nakita niya na marami siyang magagawa bilang Santa noong siya ay bumisita sa isang kolony ng mga ketongin sa Cebu.
11,202

edit