Mga Hudyo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
Tatak: VisualEditor: Naipalit Disambiguation links
No edit summary
Binaligtad ng kahalili ni Hezekias na si Manaseh ang mga pagbabagong ito at ibinalik ang pagsambang politeistiko at ayon sa [[Ikalawang Aklat ng mga Hari|2 Mga Hari]] 21:16 ay inusig ang paksiyong monoteistiko. Si haring Josias ay muling bumalik sa [[monolatriya]] (pagsamba lamang sa isang diyos ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga diyos). Ang [[Aklat ng Deuteronomio]] gayundin ang ibang mga aklat ng Tanakh ay isinulat sa panahon ng pamumuno ni Josias. Kaya, ang mga huling dalawang dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagsalakay sa Herusalem ng noong 597 BCE ay nagmamarka sa opisyal na [[monolatriya]] ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng sinasanay sa pagkakatapon sa [[Babilonya]] at sa teolohiya ng Ikalawang Templo ng Hudaismo. Ayon sa Bibliya, ang [[Kaharian ng Israel]] (hilaga) ay umiral bilang isang malaya estado hanggang 722 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Assyrian samantalang ang [[Kaharian ng Judah]] (timog) ay umiral bilang independiyenteng estado hanggang 586 BCE nang ito ay sakupin ng imperyo ng Babilonya. Nang talunin ng imperyong Persa '' (Persian)'' ang Babilonya, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng imperyong Persa '' (Persian)'' at pinayagan na makabalik ng Persiya ang mga Israelita sa Judea. Ang modernong analysis na makapanitikan na Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunan na pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.<ref name=jvl>{{Cite web |title=Archive copy |url=http://www.jewishvirtuallibrary.org/jsource/Judaism/Exilic.html |access-date=2012-11-27 |archive-date=2012-10-15 |archive-url=https://web.archive.org/web/20121015092426/http://www.jewishvirtuallibrary.org/jsource/Judaism/Exilic.html |url-status=dead }}</ref> Iminungkahi na ang mahigpit na monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonya at marahil ay bilang reaksiyon sa [[dualismo]] o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persa '' (Persian)''.<ref>Ephraim Urbach ''The Sages''</ref><ref name=je/> Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong [[Zoroastrianismo]]<ref name=jvl/><ref name=je>http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z</ref> ng Persia sa mga pananaw ng [[anghel]], [[demonyo]], malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang [[eskatolohiya|eskatolohikal]] at sa ideya ng [[mesiyas]] o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastriano. Inilarawan ni [[Zarathushtra]] sa kanyang Gathas ang isang saoshyant (tagapagligtas) na benepaktor ng mga tao.
 
Nang talunin ni imperyong Gresya ang Persiya, ang Israel ay sumailalim sa imperyong Ptolemaiko at kalaunan ay ng imperyong Seleucid. Ang katimugang [[Levant]] ay naging [[helenisasyon|helenisado]] na humantong sa mga tensiyon sa pagitan ng mga relihiyoso at mga Helenisadong Hudyo. Ang alitan ay sumiklab noong 167 BCE sa [[paghihimagsik ng mga Macabeo]] laban sa mga Seleucid. Ito ay nagtagumpay sa pagtatag ng isang independiyenteng [[Kahariang Hasmonean]] sa Judah. Sinakop ng [[imperyo Romano]] ang rehiyong ito noong 63 BCE. Ang alitan sa pagitan ng mga paksiyong pro-Romano at pro-Parthian sa Judea ay kalaunang tumungo sa paglalagay kay [[Herodes ang Dakila]] at konsolidasyon ng [[Kahariang Herodian]] bilang basalyong estado ng Roma. Ang Judea ay ginawang lalawigan ng Roma noong 6 KP kasuod ng paglipat ng tetrarkiyang Judean sa sakop ng Roma. Sa mga sumunod na dekad, nagkaroon ng papapalaking mga tensiyon sa pagitan ng mga populasyong Greko-Romano at Judean.
 
Noong 66 KP, ang mga Hudyo sa Judea ay naghimagsik laban sa Roma at pinangalanan ang kanilang estado bilang "Israel". Pagkatapos ng digmaan, ang mga Hudyo ay patuloy na binuwisan sa Fiscus Judaicus na ginamit upang pondohan ang templo ng diyos na si [[Hupiter]]. Noong 131 CE, muling pinangalanan ni Emperador [[Hadrian]] ang Herusalem na "Aelia Capitolina" at nagtayo ng templo sa lugar ng dating templong Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinagbawalang tumira sa Herusalem (na nagpatuloy hanggang sa pananakop na Arabo) at sa lalawigang Romano na sa panahong ito ay kilala bilang Lalawigang Iudaea at muling pinangalanang "Palaestina". Mula 132 hanggang 136, ang pinunong Hudyo na si [[Simon Bar Kokhba]] ay nanguna sa isang paghihimagsik laban sa mga Romano at muling pinangalanan ang bansa na "Israel". Ang [[Kristiyano]] na nakaraang isang sekta ng Hudaismo ay tumangging lumahok sa paghihimagsik at naging isang hiwalay na relihiyon. Ang paghihimagsik ay sinupil ni Emperador Hadrian, at sa panahon ng himagsikan ng Bar Kokhba, ang asembleang Rabinikal ay nagpasya kung aling mga aklat ang magiging bahagi ng Tanakh (bibliyang Hebreo) at nagpasya sa pagtatanggal sa mga [[apokripa]]ng Hudyo.
11,812

edit