Mga Hudyo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
No edit summary
m (link mga Taong Dagat using Find link)
 
Sa pagitan ng 2.6 at 0.9 milyong taong nakakalipas, may hindi bababa sa apat na mga episodyo ng pagkalat ng [[hominine]] mula sa [[Aprika]] tungo sa Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan).<ref>{{cite web|url=http://cat.inist.fr/?aModele=afficheN&cpsidt=17870089 |title=The oldest human groups in the Levant |publisher=Cat.inist.fr |date=2004-09-13 |accessdate=2012-08-13}}</ref> Sa kabundukang Carmel sa [[Tabun, Israel|el-Tabun]], at [[Es Skhul]].<ref>{{cite web|url=http://www.athenapub.com/8timelin.htm|title=Timeline in the Understanding of Neanderthals|accessdate=2007-07-13|archive-date=2007-09-27|archive-url=https://web.archive.org/web/20070927231557/http://www.athenapub.com/8timelin.htm|url-status=dead}}</ref> ang mga labi ng [[Neanderthal]] at mga sinaunang tao ay natagpuan kabilang ang isang kalansay ng isang Neanderthal na babae.<ref>Christopher Stringer, custodian of Tabun I, [[Natural History Museum]], quoted in an exhibition in honour of Garrod; ''Callander and Smith'', 1998</ref> Ang paghuhukay sa el-Tabun ay nagprodyus ng pinakamahabang rekord na stratigrapiko sa rehiyon na sumasaklaw sa 600,000 o higit pang taon ng mga gawain na pantao <ref>{{cite web|url=http://www.arch.cam.ac.uk/~pjs1011/Pams.html|title=From ‘small, dark and alive’ to ‘cripplingly shy’: Dorothy Garrod as the first woman Professor at Cambridge|accessdate=2007-07-13|archive-date=2009-02-28|archive-url=https://web.archive.org/web/20090228172528/http://www.arch.cam.ac.uk/~pjs1011/Pams.html|url-status=dead}}</ref> mula sa Mababang Paleolitiko hanggang sa kasalukuyang panahon na tinatayang milyong taon ng [[ebolusyon ng tao]].<ref>{{cite web|url=http://arch.haifa.ac.il/excav.php|title=Excavations and Surveys (University of Haifa)|accessdate=2007-07-13|archive-date=2013-03-13|archive-url=https://web.archive.org/web/20130313142646/http://arch.haifa.ac.il/excav.php|url-status=dead}}</ref>
 
Ang unang rekord ng pangalang Israel (bilang ysrỉꜣr) ay umiiral sa Merneptah stele na itinayo para sa Paraon na Ehiptong si Merneptah c. 1209 BCE. Nakita ng mga arkeologo ang "Israel" na ito sa mga sentral na matataas na lupain bilang isang kultura at malamang ay pampolitika na entidad ngunit isa lamang pangkat etniko sa halip na isang organisadong estado. Ang mga ninuno ng mga Israelita ay maaaring kinabibilangan ng mga [[Semita]] na tumira sa Canaan at ang [[mga Taong Dagat]]. Ayon kay McNutt, "Malamang na ligtas na ipagpalagay na sa isang panahon noong [[Panahon ng Bakal]] (sa may 1200 BCE), ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang mga sarili bilang Israelita na nagtatangi ng sarili nito mula sa mga Cananeo gaya ng mga marka na pagbabawal ng pagpapakasal sa ibang lahi, isang pagbibigay diin sa kasaysayan at heneolohiya at [[relihiyon]]. Noong mga 1920, ang ideya ng pananakop ng mga Israelita sa Canaan ayon sa [[Aklat ni Josue]] ay hindi sinusuportahan ng rekord na arkeolohikal. Wala ring ebidensiya na ang mga Israelita ay nagmula sa Ehipto ayon sa [[Aklat ng Exodo]]. Ang mga Israelita ayon sa mga arkeologo ay mga katutubong Cananeo. Ayon sa mga eskolar at arkeologo, ang mga ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita na ang mga Israelita ay hindi mga monoteista (gaya ng isinasaad sa [[Bibliya]]) mula pa sa simula ng pagkakatatag nito kundi mga politeista.<ref>Rendsberg, pp.3-5</ref>
 
Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng [[Sinaunang Malapit na Silangan]] at narereplekta sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na 'elohîm na anyong plural ng Eloah na anyo ng El na isang pangkalahatang salita para sa [[diyos]] sa mga relihiyong Semitiko.<ref>http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm</ref> Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita sa panahong ito ng isang lipunan ng mga tulad ng baranggay na sentro ngunit may mas limitadong mga mapagkukunan at isang maliit na populasyon. Ang pagpepetsa ng mga labi sa mga kasaysayan ng Israel ayon sa [[Bibliya]] ay ginawang mahirap sa kawalan ng bibliya ng mga mapepetsang pangyayari at sa hindi maasahan at magkaayon na panloob na kronolohiya. Walang mga labing materyal na natuklasan na maasahang naghihiwalay ng mga lugar ng Israelita mula sa mga hindi Israelita (Cananeo) sa mga pinakaamaagang panahon.<ref>Bloch-Smith, pp.27,29,30</ref>
11,796

edits