Konstantino XI Paleologus: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Bagong pahina: '''Emperador Konstantino IX Palaeologus''' o '''Palaiologos'''(Griyego: Κωνσταντίνος ΙΑ' Δραγάσης Παλαιολόγος, Kōnstantinos XI Dragasēs Palaiologos,...
 
No edit summary
Linya 1:
'''Emperador Konstantino IX Palaeologus''' o '''Palaiologos''' (Griyego: Κωνσταντίνος ΙΑ' Δραγάσης Παλαιολόγος, Kōnstantinos XI Dragasēs Palaiologos, Pebrero 8, 1405[1] – Mayo 29, 1453) ang pinakahuling emperador ng Imperyong Byzantine (Silangang Imperyong Romano). Isang kasapi ng angkan ng Palaeologus, pinamunuan niya ang imperyo mula 1449 hanggang sa mamatay siya.
 
 
== Maagang buhay ==
 
----
Si Konstantino ay ipinanganak sa [[Konstantinople]] bilang ika-walong sa sampung mga anak nina Emperador Manuel II Palaeologus at Helena Dragaš, ang babaeng anak ng isang prinsipeng Serbiano Konstantino Dragaš ng Kumanovo. Lumaki siya sa Konstantinople sa pangangalaga ng kanyang mga magulang. Noong pansamantalang pagkawala ng kanyang kuya (Emperador Juan VIII Palaeologus) sa Italia, si Konstantino ang rehente ng imperyo mula 1437 hanggang 1440.
 
 
== Bilang Despot ng Morea ==
 
----
Si Konstantino ang naging despot ng Morea (pangalan ng Peloponnesus noong gitnang panahon) noong Oktubre ng 1443, namumuno mula sa kastilyo at palasyo sa Mistra. Noong panahon na iyon, ang Mistra ay isang sentro ng sining kalaban ng Konstantinople.
 
Pagkatapos paintingin ang pagiging despot, sinimulhan niyang patatagin ang depensa ng Morea, kasama na ang pagtatayo ng isang dingding sa Isthmus ng Korinto tinawag na Hexamilion, "Anim na Milyang Dingding".
 
Noong tag-init ng 1444, sinimulhan niya ang pagsakop sa Latinong Kadukehan ng Atenas mula sa Morea, mabilis na sinakop ang Thebes at Atenas at sapilitang pinagbayad buwis ang Florentinong duke. Ang kadukehan ay pinamumunuan ni Nerio II Acciajuoli, isang basalyo ng sultang Ottoman.
 
Ngunit, ang tagumpay ay sandali lang. Sa taglagas ng 1446, sinakop ng mga Ottoman ang Morea ng may 50-60,000 sundalo. Si Konstantino at ang kanyang kapatid na Thomas ay kamuntikang mahuli. Ang taglamig ang nagbawal sa tuluyang pagsakop sa buong Morea, at si Murad ay umalis sa sumunod na araw, ngunit nagtapos sa pagpapalaki ni Konstantino ng kanyang despotate.
 
 
== Mga Kasal ==
 
----
Si Konstantino'y kinasal ng dalawang beses: una ay kay Magdalena Tocco noong Hulyo 1, 1428, pamangkin ni Karlos I Tocco ng Epiro, na namatay noong Nobyembre ng 1429; at ikalawa kay Katalina Gattilusio, anak ni Dorino ng Lesbos, na namatay noong 1442. Wala siyang anak sa pareho.
 
 
== Bilang Emperador ==
 
----
Kahit merong mga suliraning panloob at panlabas ng panahon niya, na sanhi sa pagbagsak ng Konstantinople at ng Imperyong Byzantine, ang mga source ng panahon niya ay nagbibigay ng matinding paggalang sa kanya.
 
Nang ang kanyang kuya, si [[Emperador Juan VIII Palaeologus]] ay namatay, isang pag-aaway ang namagitan kina Konsantino at sa kanyang kapatid na si Demetrio sa pamumuno ng imperyo. Si Demetrio ay sinuportahan dahil sa kanyang paglaban sa pag-iisa ng simbahang Katoliko at Orthodox. Si Emperatris Helena, ang rehente, ay sumuporta kay Konstantino. Ihinabilin nila sa sultang Ottoman na si Murad II para magdesisyon.
 
Hinirang ni Murad si Konstantino, na kinoronahan sa Mistra noong Enero 6, 1449. Kakaibang koronahan ang isang emperador sa labas ng Konstantinople (at walang patriyarka ng Simbahang Orthodox) at walang misang pagkorona ang nangyari. Si Konstantino ay napilitang pumunta sa kanyang kabisera lulan ng isang barkong Katalan, na dumating noong Marso 1449. Sinubukan niyang pakasalan ang malayong pinsang si Maria Branković, dating asawa ni Murad II, ngunit palpak ang panliligaw.
 
Namatay si Murad noong 1451, at namuno ang 19 taong gulang na si Mehmed II. Di naglaon, inaangkin na ni Mehmed ang Konstantinople. Nanakot si Konstantinong pakakawalan si Prinsipe Orhan, isang umaangkin ng trono ng Ottoman, kung hindi dodoblehin ng sultan ang taunang pagbibigay tributo. Para kay Mehmed, isa itong paglabag sa usapan. At ang sumunod na taglamig ng 1451-52, itinayo niya ang Rumelilhisari, isang kastilyo sa isang burol sa bahaging Europa ng Bosporus, sa hilaga ng lungsod bilang paghahanda sa pagsakop.
 
Desperado sa anumang tulong militar, umapila sa kanluran si Konstantino at pinayagan ang pag-iisa ng Simbahang Orthodox at Romano Katoliko. Na pinirmahan sa Florence. Kaso, ang pag-iisa ay kinontra ng mga Griyego at ni [[Lukas Notaras]].