Content deleted Content added
No edit summary
Linya 47:
Ang pwersang pang-akit sa pagitan ng kadenang polímero ay nagdudulot ng malaking bahagi upang alamin ang mga katangian ng isang polímero. Dahil sa ang mga kadena ng polímero ay napakahaba, ang pwersa sa pagitan ng bawat kadena ay lalong mas matindi kaysa sa pagitan ng mga karaniwang molekula. Gayundin, mas mahaba ang kadena, mas amorpo ito (walang ayos). Isipin ang mga polímero na pulu-pulupot na kadena ang pansit – mas mahirap hatakin ang isang hibla ng pansit mas gusot ang mga kadena. Ang malakas na pwersang ito ay nagbubunga ng mataas na lakas sa batak (tensile strength) at temperatura ng pagkatunaw.
 
Ang pwersang intermolekular sa polímero ay inaalam ng mga dipolo ng mga monómero ng yunit. Ang polímero na naglalaman ng grupong amido ay makabubuo ng kawing hidroheno sa mga karatig kadena. Malakas ang pagkaakit ng positibong atomo ng hidroheno ng grupong N-H ng isang kadena sa atomo ng [[oksiheno ]] sa grupong C=O ng iba. Ang matibay ng kawing hidroheno ang nagdudulot, halimbawa, sa mataas ng tensile strength at temperatura ng katunawan ng kevlar. Ang mga poliester ay may kawing na dipolo-dipolo sa pagitan ng atomo ng oxiheno sa grupong C=O at hidroheno sa grupong H-C. Ang dipolong kawing ay hindi kasing tibay ng kawing hidroheno kaya ang temperatura ng katunawan ng ethene at tibay nito ay mababa kaysa kevlar ngunit mas mainam hutukin ang mga polyester.
 
Subalit, ang ethene ay walang permanenteng [[dipolo]]. Ang pwersa ng pag-akit sa pagitan ng kadena ng mga polyethylene ay dulot ng pwersang van der Waals. Ang mga molekula ay masasabing nababalutan ng ulap ng mga negatibong elektron. Nag-iiwasan ang dalawang molekula kapag sila ay naglalapit sa isa’t-isa. Nagdudulot ito sa paghupa ng densidad ng elektron sa isang tabi ng kadena ng polímero na nagbubunga ng kaunting positibong dipolo sa tabi ito. Ang karga nito ay tama lang upang maakit ang ikalawang kadena ng polímero. Mahina ang mga pwersang Van der Waals kaya natutunaw sa mababang temperatura ang polyethylene.