Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Ahedres"

dagdag na seksyon
(→‎Katayuan sa kultura: paglipat sa larawan)
(dagdag na seksyon)
| accessdate=2008-11-26
}}</ref> Mala-ahedres din ang tema ng musikal na palabas na ''Ahedres'', nina [[Tim Rice]], [[Björn Ulvaeus]] at [[Benny Andersson]].
==Notation for recording moves==
[[Image:SCD algebraic notation.png|frame|left|Ang sistema ng pagsulat ng mga galaw sa ahedres]]
{{main|Chess notation}}
 
Ang mga paggalaw at mga posisyon sa ahedres ay isinusulat gamit ang isang tanging sistema, mas madalas ay ang [[Alhebraikong Pamamaraan]].
<ref>Tignan ang seksyong "E. Algebraic notation" sa:<br>{{cite web
| url=http://www.fide.com/component/handbook/?id=125&view=article
| title=E.I.01B. Appendices
| accessdate=2008-11-26
| publisher=FIDE
}}</ref> ''Ang pinaikling alhebraikong pamamaraan'' ay nagtatala ng mga tira sa pormang ''pina-ikling Ingles na pangalan ng gumalaw na piyesa - titik ng pababang linyang pinuntahan - bilang ng pahalang na linyang pinuhtahan''. Halimbawa, ang "Qg5" ay nangangahulugang "pumunta ang reyna sa pababang ''g'' at sa ikalimang pahalang na linya (sa kwadradong ''g5''). Kung dalawang magkahalintulad na piyesang maaring pumunta sa iisang kwadrado, isa pang titik o bilang ang idinadagdag upang maipakita ang pinanggalingan, Halimbawa, ang ''Ngf3" ay nangangahulugang "ang kabalyero sa pababang ''g'' ay pumunta sa kwadradong ''f3''. Ang titik na ''P'' para sa kawal ay hindi ginagamit upang maipakitang ang "e4" ay mangangahulugang "ang kawal ay pumunta sa kwadradong ''e4''".
 
Kung nakahuli ang gumalaw na piyesa, isinisingit ang "x" bago ang pinuntahang parisukat. Halimbawa, ang ''Bxf3''' ay mangangahulugang "nakahuli ang obispo sa f3". Kapag nakahuli ang kawal, ipinapalit ang pinanggalingang pababang linya sa letrang "P", kaya ang ''exd5'' ay mangangahulugang "nakahuli ang kawal na galing sa pababang ''e'' sa d5".
 
[[Image:Scholars mate animation.gif|frame|Isang halimbawa ng maikling larong madalas na mangyari sa mga baguhan]]
 
Kapag nakarating ang isang kawal sa huling pahalang na linya, dahilan upang tumaas ang ranggo nito, ang napiling piyesa ay ipinapakita matapos ang galaw,<ref>{{cite web
| title=Learn Chess Notation
| url=http://www.chesshouse.com/howto/How-to-Read-and-Write-Chess-Notation.asp
| accessdate=2008-11-26
| publisher=Chess House
}}</ref> halimbawa'y ''e1Q'' o ''e1=Q''. Ang pagtatago ay ipinapakita ng 0-0 sa lugar ng hari at 0-0-0 sa lugar ng reyna. Ang tirang maglalagay sa kalabang hari sa panganib ay nilalagyan ng "+" sa dulo. Ipinapakita ang pagka-mate sa pamamagitan ng simbolong "#" (minsa'y "++", ngunit ginagamit sa mga dobleng banta kadalasan) Sa pagwawakas ng laro, mangangahulugang nanalo ang Puti kapag "1-0", panalo ang Itim kapag "0-1", at patas kapag "½-½".
 
Maaring lagyan ng iba't-ibang mga simbolo ang mga galaw sa ahedres upang ipakita ang kabutihan o kasamaang naidulot ng isang tira sa manlalarong gumalaw. Halimbawa, ang ''!'' ay isang magandang galaw, ang ''!!'' ay isang mahusay na galaw, ang ''?'' ay isang pagkakamali, ang ''??'' ay isang malalang pagkakamali, ang ''!?'' ay isang kakaibang tira at ang ''?!'' ay isang pagkakamaling hindi madaling makita.
 
Halimbawa, ang isang payak na patibong na tanyag sa pangalang ''Mate ng Mag-aaral'', na ipinapakita sa kaliwa, ay maaring itala bilang:
# e4 e5
# Qh5?! Nc6
# Bc4 Nf6??
# Qxf7# 1-0
 
==Mga talasanggunian==
174

edits