José Abad Santos: Pagkakaiba sa mga pagbabago

 
Si '''Jose Abad Santos''' ay ipinanganak noong [[Pebrero 19]], [[1886]] sa [[Lungsod ng San Fernando, Pampanga|San Fernando]], [[Pampanga]]. Siya ang ikapitong anak sa sampung mga anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang ama na naging ''juez de ganados'' ay namatay noong [[1892]] noong siya ay anim na taong gulang pa lamang. Pagkatapos ng isang taon si Jose ay naging estudyante ni Calixto Arevalo. Kumuha naman siya ng bagong guro na si Felix Dizon na gumagamit ng [[wikang Kastila]] sa pagtuturo.
 
==Katungkulan==
Bumalik siya sa Pilipinas at naging kawani sa Dibisyon ng Kagawaran ng Tagapagpaganap na may buwanang sahod na 80 [[piso ng Pilipinas|piso]]. Itinaas ito sa 100 piso noong Enero 1, 1910, at naging 110 piso matapos ang isang taon. Kumuha siya ng bar exam noong 1910 ngunit hindi nakapasa dahil tinalakay ang tungkol sa batas ng Espanya na taliwas sa kanyang natutunan sa batas Amerika.<ref>"Dark Times."Japanese Regime 58.2:47.</ref> Nang kumuha siya muli noong [[Oktubre 12]], 1911 ay nakapasa siya.
Mula sa Kagawaran ng Tagapagpaganap , si Santos ay lumipat sa Kagawaran ng Katarungan na may sahod na 110 piso. Naging isa siyang taga-paliwanag ng banyagang wika noong 1912 pagkatapos ay naging taga-salin noong [[Oktubre 16]], 1912. Makalipas ang dalawang taon, naging katulong ng abogado na may sahod na 3,600 sa isang taon at pinataas ito sa 4,000 piso noong 1917.
Nagpakasal siya kay Amanda Teopaco noong [[Setyembre 13]], 1918. At muli siyang naging isang katulong ng abogado noong 1919 na may sahod na 6,000 piso taun-taon. Kasama ang kanyang pamilya ay nanirahan siya sa Kalye Mariposa, [[Lungsod Quezon]] noong 1930. Naging Pangalawang-kalihim ng Katarungan noong 1922 at naging Kalihim ng Katarungan na may sahod na 12,000 piso taun-taon. Siya rin ang namahala dito sa panahon ng Komonwelt at [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]].
 
==Kamatayan==
Hindi nakikilalang mga tagagamit