Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Bagong Taong Tsino"

walang buod ng pagbabago
|}
 
Ang '''Bagong Taong Tsino''' o '''Piyesta ng Tagsibol''', o Bagong Taon na ''Lunar'', ay ang pinakamahalagang tradisyunal na pista ng mga Tsino. Mahalagang pista ito sa [[Silangang Asya]]. Maliban sa Tsina at sa Silangang Asya, ito'y pinagdidiriwa rin sa [[Timog-Silangang Asya]] at sa ibang mga rehiyon na may malaking populasyon ng mga Tsino, isang halimbawa ang [[Kanada]] at [[Estados Unidos|Amerika]].
 
Nangyayari ang Bagong Taong Tsino bawat taon sa isang bagong buwan sa panahon ng taglamig. Pumapatak ito sa [[Kalendaryong Gregorian]] sa pagitan ng [[Enero 21|21 Enero]] at [[Pebrero 21|21 Pebrero]]. Dahil [[astronomiya|astronomikal]] na tinatakda ang [[Kalendaryong Tsino]], hindi tulad ng Kalendaryong Gregorian, magbabago ang sakop sa pagpapalit ng panahon. Sinisimbolo ng bawat taon ng isa sa mga 12 [[hayop]] at isa sa mga limang elemento, na umiikot ang kombinasyon ng mga hayop at mga elemento sa loob ng 60 mga taon. Marahil ito ang pinakamahalagang pistang Tsino.