Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Panahong Edo"

walang buod ng pagbabago
m (robot dinagdag: fa:دوره ادو)
Ang {{nihongo|'''Panahon ng Edo'''|江戸時代|Edo jidai}} ay isang bahagi ng '''[[Kasaysayan ng Hapon]]''' na nagsimula noong taong [[1603]] hanggang taong [[1867]]. Ito ang simula ng panahon na kung saan namuno ang Ka[[sugun]]ang [[Tokugawa]] o kilala din bilang Kasugunang Edo. Ang ka[[sugun]]an ay isang dinastiya ng isang angkan na kasali sa mga uring militar sa Japan. Sila ang may tunay na hawak ng pulitikal na kapangyarihan at tuwirang nagpapatakbo sa bansa. Halaw ang pangalan ng panahong ito ng itatag ni '''[[Sugun]]''' (Shogun) '''[[Ieyasu Tokugawa]]''' ang kanyang pamahalaan sa Edo ang lupang pangalan ng '''[[Tokyo]]'''.
 
Sa panahong ito, nilimitahan ng gubyerno ng mga [[Tokugawa]] ang mga banyaga kung kaya’t napanatili nila ang mga aspetong pulitikal, pangkabuhayan at relihiyosong kaisipan na may sariling panglasang Hapones. Ang mga Intsik at mga [[Dutch]] na kasapi sa [[East India Company]] ang binigyan lamang ng mga Hapones ng laya na makapasok sa [[Japan]] at makipagkalakalan sa kanila. Ang mga ibang dayuhan na dumaong sa Japan ay kaagad na hinuhuli at pinagpapaslang bilang tanda ng kanilang pagtututol. Nagtapos ang panahon na ito noong [[1867]] sa pamumuno ni [[Yoshinobu Tokugawa]] ang ika-15 [[sugun]] ng [[Kasugunang Tokugawa]]. Nanumbalik ulit ang kapangyarihang pulitikal sa [[Emperador ng Hapon]] nang umupo si [[Mutsuhito]] o mas kilala bilang Emperador [[Meiji]] sa [[Trono ng Krisantemo]]. Ang Panahong Edo ay itinuturing din na simula ng Unang Makabagong Panahon ng Japan.
8,930

edit