Benjamin Franklin: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
walang buod ng pagbabago
m (robot dinagdag: pms:Benjamin Franklin)
mNo edit summary
[[Talaksan:Benjamin Franklin by Joseph Siffred Duplessis.jpg|thumb|right|Si Benjamin Franklin.]]
 
Si '''Benjamin Franklin''' ([[Enero 17]], [[1706]] - [[Abril 17]], [[1790]]) ay isa sa "[[Tagapagtatag na mga Ama]]" ng [[Estados Unidos]], at isa sa pinakamaagang [[politiko]] ng bansa. Nagkaroon siya ng napakahalagang bahagi sa paghubog ng [[Mapanghimagsik na Digmaang Amerikano]], bagaman hindi siya [[nahalal]] kailanman sa anumang puwestong opisyal. Bilang pinuno ng [[Panahon ng Pagkamulat]], naimpluwensiyahan niya ang mga [[siyentipiko]]ng [[Europeo]]. Siya ang unang naging palagiang iniuugnay ng mga Europeo sa [[Estados Unidos|Amerika]] noong panahong iyon. Isang mahalagang bagay ang kanyang tagumpay sa [[militar]] ng [[Pransiya]] kaugnay ng pananagumpay ng Amerika laban sa [[Dakilang Britanya]].
 
Karamihan sa mga tao ang tumatanaw kay Franklin bilang isa sa pinakadakilang mga [[imbentor]] sa [[kasaysayan]]. Ilan sa kanyang mga nalikha ang [[lightning rod|pararayos]] o [[pangayas-kidlat]], salaming [[doble-bista]] (isang uri ng [[salamin sa mata]], ang ideya ng [[pagkakaisa]] sa loob ng [[Labintatlong mga Kolonya]], at ang ideya ng mismong Amerika.