Carlos P. Romulo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
robot binago: ru:Ромуло, Карлос Пенья; Kosmetiko pagbabago
m (robot binago: ru:Ромуло, Карлос Пенья; Kosmetiko pagbabago)
Si '''Carlos Peña Romulo''' ([[Enero 14]], [[1899]], [[Camiling, Tarlac|Camiling]], [[Tarlac]], [[Pilipinas]] - [[Disyembre 15]], [[1985]], [[Maynila]], [[Pilipinas]]) ay isang magaling na diplomatiko, [[politika|politiko]], sundalo, mamamahayag at manunulat. Sa gulang na labing-anim, naging isang tagapagbalita siya at naging isang patnugot naman ng isang pahayagan sa gulang na dalawampu. Nagkaroon siya ng palimbagan sa gulang na talumpu’t dalawa. Isa rin siya sa nagtatag ng [[Boy Scouts of the Philippines]].
 
== Buhay ==
=== Edukasyon ===
 
Nagtapos si Carlos Romulo sa [[Unibersidad ng Pilipinas]] (Batsilyer sa [[Sining]]) noong [[1918]] at maging sa Columbia University (Pantas sa Sining) sa [[New York]] noong [[1921]]; Notre Dame University, Indiana (Paham sa mga [[Batas]]) noong [[1935]]; Rolins College sa Florida (Paham sa [[Panitikan]]) noong [[1946]]; maging sa Pamantasan ng [[Athína]], [[Gresya]] (Paham sa [[Pilosopiya]]) noong [[1948]]; muli, sa Pamantasan ng Pilipinas (Honoraryong Paham ng mga Batas) noong 1949 at sa Harvard University (Paham ng mga Batas Honoris Causa) noong 1950.
 
=== Karerang pampulitika ===
 
Si Romulo ay naglingkod sa walong [[Pangulo ng Pilipinas]] magmula kay Pangulong [[Manuel Quezon]] hanggang kay Pangulong [[Ferdinand Marcos]] bilang isang miyembro ng gabinete o bilang kinatawan ng Pilipinas sa [[Estados Unidos]] at sa [[United Nations]].
Noong Abril 1955, pinangunahan ni Romulo ang dalegasyon ng Pilipinas sa Asian-[[Africa]]n Conference sa [[Bandung]], [[Indonesia]].
 
=== Mga nasulat ===
 
Si Romulo, sa pangkalahatan, ay sumulat at naglimbag ng labingwalong aklat. Kasama na rito ang ''The United'', ''I Walked with Heroes'', ''I Saw the Fall of the Philippines'', ''Mother America'' at ''I See the Philippines Rise''.
 
== Kamatayan ==
 
Namatay si Romulo sa Maynila noong Disyembre 15, 1985 sa gulang na 86. Inilibing siya sa [[Libingan ng mga Bayani]]. Pinarangalan bilang pinakadakilang Pilipinong diplomatiko ng ika-20 [[siglo]] at maaaring maging sa [[kasaysayan]]. Noong 1980, pinuri siya ni Kurt Waldheim, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations at tinawag siyang "Mr. United Nations" dahil sa kanyang mahalagang ginampanan sa United Nations at ang kanyang dedikasyon sa kalayaan at pandaigdigang kapayapaan.
[[nl:Carlos Romulo]]
[[pt:Carlos Rómulo y Peña]]
[[ru:Ромуло, Карлос ПенаПенья]]
[[tr:Carlos Pena Romulo]]
68,728

edit