Emperador Taisho: Pagkakaiba sa mga binago

m
robot binago: ka:ტაისიო; Kosmetiko pagbabago
m (robot dinagdag: it:Taisho)
m (robot binago: ka:ტაისიო; Kosmetiko pagbabago)
Nabuhay si Prinsipe Yoshihito sa Palasyo ng [[Aoyama]] sa Tokyo. Ama niya si Emperador [[Meiji]] at kay Naruko Yanagiwara, isang lady-in-waiting o matatawag sa salitang palasak na ‘kabit’ subalit terminong pangmaharlika. Si Yoshihito ay inampon ni Emperatris Shoken na kinilala naman niyang opisyal na ina. Tinanggap niya ang personal na pangalang Yoshito Shinno at ang titulong Haru-no-miya mula sa Emperador noong ika-6 ng Setyembre, 1879.
 
Tatlong linggo pa lamang na mabuhay si Yoshihito ay dinapuan na kaagad siya ng sakit na meningitis na nagpahina sa kanyang katawan at kaisipan. Bali-balita din na nalason siya sa tingga ([[lead poisoning]]) na nakuha niya diumano sa meyk-ap na ginagamit ng katulong sa bahay na nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang mga nakakatandang kapatid ay nangamatay ng maaga. Gayunpaman, opisyal na ipinahayag na siya ang Tagapagmana ng Trono noong ika-31 ng Agosto, 1887. Pormal siyang iniluklok bilang Prinsipeng Tagapagmana noong ika-3 ng Nobyembre, 1888.
 
Pagkapanganak kay Yoshito, kaagad siyang kinupkop ni Prinsipe Nakayama Tadayasu. Tumira siya sa piling nito hanggang noong siya ay pitong taong gulang. Nag-aral siya kasama ang ilang piling mga bata sa [[Gogakumonsho]] sa loob ng Nakabukod na Palasyo ng Aoyama. Noong Septyembre ng taong 1887, pumasok siya sa departamento ng elementary ng [[Gakushuin]] pero dahil mahina ang kanyang katawan at sa lumala niyang pangangatawan hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral. Ang kanyang kabataan ay ginugol niya sa dalampasigan ng [[Atemi]].
Ang pagsasamang ito ay nagbunga ng apat na anak.
 
# Si [[Hirohito]] na naging [[Emperador Showa]]. Pinakasalan niya si Prinsesa Nagako, ang panganay na anak ni Prinsipe Kuni Kuniyoshi
 
# Si [[Yasuhito]] ([[Prinsipe Chichibu]]). PInakasalan naman nito si Bb. Setsuko Matsudaira, ang panganay na anak ni Tsuneo Matsudaira na naging embahador sa Gran Britanya at Estados Unidos. Si Tsuneo ay isang Ministro ng Bahay Tanggapan ng Imperyo.
 
# Si [[Nobuhito]] ([[Prinsipe Takamatsu]]). Pinakasalan nito si Kikuko Tokugawa, ang ikalawang anak ni Prinsipe Yoshihisa Tokugawa.
 
# At ang bunso, si [[Takahito]] ([[Prinsipe Mikasa]]). Pinakasalan nito si Yuriko Takagi, ang ikalawang anak ni Visconde Masanori Takagi.
 
Nung maikasal si Yoshihito, unti-unting bumuti ang kanyang kalagayan, at di nagtagal siya ay naglakbay sa buong Japan. Itong kanyang paglalakbay ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng mga karaniwang Hapones na direkta nilang nakausap ang tagapagmana ng trono ng imperyo.
 
Ang Palasyo ng Akasaka (na ngayo’y Tanggapan ng Bisita ng Estado ng Japan) ay binuo bilang opisyal na tahanan ng Prinsipeng Tagapagmana. Idinisenyo ito ni Tokuma Katayama batay sa istilong [[Rococo]] na makikita sa Europa. Binuo ito ng mula 1899 hanggang 1909 o sa loob ng isang dekada.
 
Noong Oktubre ng taong 1907, nilakbay ng Prinsipeng Tagapagmana ang [[Korea]] na kasama ni Admiral Heichahiro Togo, Heneral Taro Katsura at Pinsipe Taruhito Arisugawa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon din na nangibang bansa din ang isang Prinsipeng Tagapagmana ng Japan. Nag-aral siya ng salitang [[Koryano]] pero hindi siya naging magaling dito.
Ang nagkukubling buhay ni Yoshihito ay hindi naapektuhan ng [[Napakalaking Lindol ng Kanto noong taong 1923]] na kung saan napakarami ng nangasawi at nangawalan ng tirahan. Isang linggo bago pa man ang lindol ay nagtungo sa Palasyong Pangtag-init sa [[Nikko]] si Yoshihito, naiwan lamang sa Tokyo si Prinsipeng Pansamantalang Tagapangasiwa. Mga kalapati lamang ang nagsilbing mensahero sa pagitan Tokyo at ng Emperador sa Nikko.
 
Noong Disyembre noong taong 1926, ibinalita nagkaroon ng pulmonya ang Emperador. Inatake siya sa puso ng Pasko ng taong 1926 at namatay siya noong 1:25 ng madaling araw sa Palasyong Pang-imperyo na nasa Look ng Sagami, Timog ng Tokyo sa Prepektura ng Kanagawa.
 
Si Yoshihito ang kauna-unahang Emperador sa Tokyo dahil ginugol niya ang kanyang buong buhay sa silangan Punongbayan (kapitolyo) ng Tokyo. Ang kanyang ama, si Emperor Meiji, ay nabuhay at pinalaki sa lumang punongbayan ng [[Kyoto]] pero namuno ito sa Tokyo at doon na din namatay pero inilibing si Meiji sa Libingan ng kanyang mga ninuno. Samantalang si Emperador Taisho (Yoshihito) ay inilibing sa [[Tokyo]].
 
{{Suleras:Monarkiya ng Hapon}}
 
[[Kaurian:Mga Emperador ng Hapon]]
 
[[it:Taisho]]
[[ja:大正天皇]]
[[ka:ტაისოტაისიო]]
[[ko:다이쇼 천황]]
[[la:Taisionius]]
69,355

edit