Sa terminolohiyang medikal, isang neurobiyolohikong kagusutang kroniko ang kalulungan, kagumunan, kasugapaan, o labis na kahumalingan, na may mga dimensyong henetiko, sikososyal, pampaligid, at nilalarawan ng isa sa mga sumusunod: ang patuloy na paggamit ng isang sustansya sa kabila ng nakakapinsalang mga epekto nito, huminang kontrol o taban dahil sa paggamit ng gamot (ugaling mapilit o kaasalang kompulsibo), at preokupasyon o pagiging abala ng isipan sa paggamit ng gamot para sa mga layuning hindi para sa panggagamot o pagtanggap ng lunas, na sa madaling sabi ay ang paghahangad, paghahanap, at pangangailangan ng gamot.[1]