Prinsipyong walang katiyakan: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Sa [[mekaniks na kwantum]], ang '''Prinsipyong Walang Katiyakan'''('''Heisenberg uncertainty principle''') ay nagsasaad ng pundamental na hangganan ng akurasiya(pagiging tiyak) kung saan ang mga ilang pares ng mga katangiang pisikal ng isang [[partikulo]] gaya ng [[posisyon]] at [[momentum]] ay hindi maaaring sabay na malaman. Sa ibang salita, kung mas tiyak na masusukat ang isang katangian, mas hindi tiyak namang matutukoy, malalamnmalalaman o makokontrol ang isa pang katangian.
 
Eto ay inilimbag ni [[Werner Heisenberg]] noong 1927 at isang mahalagang pagkakatuklas sa simulang pagkakabuo ng [[teoriyang kwantum]]. Ipinapahiwatig nito na imposibleng sabay na masukat ang kasulukuyang posisyon habang tinutukoy din ang panghinaharap(future) na [[mosyon]] ng isang [[partikulo]] o anumang sistemang sapat na maliit upang mangailangan ng pagtratong [[kwantum mekaniks|kwantum mekanikal]]. <ref name=nptel>http://www.youtube.com/watch?v=TcmGYe39XG0 Indian Institute of Technology Madras, Professor V. Balakrishnan, Lecture 1 - Introduction to Quantum Physics; Heisenberg's uncertainty principle, National Programme of Technology Enhanced Learning</ref> Sa intuisyon, ang prinsipyong ito ay maaaring maunawan sa pamamagitan ng pagturing ng isang tipikal na pagsukat ng posisyon ng isang partikulo na sumasangkot sa pagkalat ng [[liwag]] o pagkaalis ng ibang mga partikulo sa isang target at nangangailangan ng [[probabilidad|probabilistikong]] pagpapalit ng enerhiya. Ang ''prinsipyo ng walang katiyakan''' ay isang pundamental na katangian ng mga sistemang kwantum at hindi pangungusap sa kakayahang pagmasid ng kasalukuyang teknolohiya.<ref name=nptel/> Ang ilang mga walang katiyakan sa gayong mga partikulo ay hindi maiiwasan. Gayunpaman, kahit papaano ay maaring matukoy ang ''[[aberahe]]''(average) ng momentum at posisyon ng mga partikulo gamit ang [[mahinang pagsukat]].