Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Esperanto"

walang buod ng pagbabago
(Mas pinalawak na paunang talata. Mas marami pang impormasyon sa mga susunod na araw.)
|url=http://failuremag.com/index.php/feature/article/discouraging_words/}}</ref> Hango ito sa pangalang ''Doktoro Esperanto'' (Doktor na Umaasa), bansag na ginamit ng lumikha ng wikang ito na si [[Ludovik Lazarus Zamenhof]] na ginamit niya sa unang aklat patungkol sa Esperanto na ''Unua Libro'' noong 1887. Layon niyang gumawa ng isang wika na madaling pag-aralan, patas sa lahat ng tao anu mang lahing pinagmulan, at magtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagkakaunawaan sa lahat ng bansa.
 
Tinatayang mula 10,000 hangggang 2,000,000 ang nakakapagsalita at gumagamit ng Esperanto sa buong mundo, kabilang ang may 1,000 na natutunan ito bilang kanilang unang wika. Karamihan sa mga taong gumagamit ng wikang ito ay galing sa Europa, Silangang Asia at Timog Amerika.<ref>Overview of the spread of Esperanto speakers [http://www.pasportaservo.org/monda-mapo worldwide].</ref> Ang unang ''Pandaigdigang Pagpupulong ng Esperanto'' ay ginanap sa Pransya noong 1905. Mula noon, taon-taong nagaganap ang pagpupulong na ito ng mga Esperantista maliban sa mga taon na nagkaroon ng pandaigdigang digmaan. Bagamat wala pang bansa na nagtuturing sa esperanto bilang pangalawang wika nito, ipinayo ang paggamit nito ng Akademiya ng Agham ng Pransya noong 1921 at ng UNESCO noong 1954. Esperanto ang kasalukuyang gamit na wika sa pagtuturo sa Pandaigdigang Akademiya ng Agham sa [[San Marino]].<ref name="ais"/>
 
==References==
14

edits