Content deleted Content added
Linya 708:
 
Ang henetikong sekwensiya ng HIV-2 ay isang bahagi lamang na [[homologo]] sa HIV-1 at mas malapit na katulad ng SIVsmm.
==Diagnosis==
Maraming positibo sa HIV na mga tao ang walang alam na sila ay nahawaan(infected) ng HIV virus. Halimbawa, mababa sa 1% ng mga aktibong seksuwal na populasyong pangsiyudad sa [[Aprika]] ang nasubok(tested) at ang proporsiyon na ito ay mas mababasa sa mga rural na populasyon. Sa karagdagan, ang tanging 0.5% ng mga buntis na babaeng pumpupunta sa mga pasilidad pangkalusugan ang napayuhan, nasubok, o nakatanggap ng mga resulta ng pagsubok. Muli, ang proporsiyon na ito ay mas mababa sa mga rural na pasilidad pangkalusugan. Dahil sa ang mga donor ay hindi alam ang kanilang impeksiyon, ang dugo ng donor(nagbigay) at mga produkto ng dugong ginagamit sa medisina at pananaliksik medikal ay rutinang(routinely) ini-screen para sa HIV.
 
Ang pagsubok(testing) ng HIV-1 ay binubuo ng inisyal na screening sa isang enzyme-linked immunosorbent assay (ELISA) upang matukoy ang mga [[antibody]] sa HIV-1. Ang mga specimen na may hindi reaktibong resulta mula sa inisyal na ELISA ay tinuturing na negatibo sa HIV malibang ang bagong pagkakalantad sa isang impektadong katalik na hindi alam na may HIV ay nangyari. Ang mga specimen na may reaktibong resulta ng ELISA, ang resulta ay muling sinusubok(retested) sa duplika(duplicate) Kung ang resulta ng pagsubok na duplika ay reaktibo, ang specimen ay inuulat na paulit ulit na reaktibo at sumasailalim sa isang pagsubok ng pagkokompirma na may spesipikong karagdagang pagsubok, halimbawa ang Western blot o ang hindi mas karaniwang immunofluorescence assay (IFA)). Ang mga tanging specimen na paulit ulit na reaktibo sa ELISA at positibo sa IFA o reaktibo sa Western blot ay itinuturing na positibo sa HIV at indikatibo ng impeksiyon ng HIV. Ang mga specimen na paulit ulit na reaktibo sa ELISA ay paminsan minsang nagbibgay ng hindi matukoy na resulta ng Western blot na maaaring hindi kompletong tugon ng antibody sa HIV ng isang impektadong indibidwal o mga hindi spesipikong raksiyon sa isang hindi impektadong indibidwal.
 
Bagaman ang IFA ay maaaring gamitin upang kompirmahin ang impeksiyon sa mga ambiguoso(malabong) mga kasong ito, ang assay na ito ay hindi malawak na ginagamit. Sa pangkalahtan, ang ikalawang specimen ay dapat kolektahin ng higit sa isang buwan kalaunan at muling subukin para sa mga indibidwal na may hindi matukoy na resulta ng Western blot. Bagaman, hindi gaanong karaniwang makukuha, ang nucleic acid testing (e.g., viral RNA o proviral DNA amplification method) ay maaari ring makatulong sa ilang mga sitwasyon. Sa karagdagan, ang mga specimen ay maaaring magbigay ng hindi konklusibong mga resulta dahil sa mababang kantidad ng specimen. Sa mga sitwasyong ito, ang ikalawang specimen ay kinokolekta at sinusubok sa para sa impeksiyon ng HIV.
 
Ang modernong pagsubok HIV ay labis na tiyak(accurate). Ang tsansa ng isang resulta [[mali-positibo]] sa dalawang-hakbang na protocol ng pagsubok ay tinatantiyang 0.0004% hanggang 0.0007% sa pangkalahatang populasyon sa [[Estados Unidos]].
==Pangangasiwa==
Sa kasalukuyan ay walang gamot(cure) para sa impeksiyong HIV. Ang paggamot ay binubuo ng mataas na aktibong [[terapiyang antiretroviral]] o HAART. Ito ay mataas na mapapakinabangan sa mga indibidwal na impektado ng HIV simula ng pagpapakilala dito noong 1996 nang ang nakabatay sa tagapigil ng [[protease]] na HAART ay naging makukuha(available). Ang kasalukuyang mga opsiyong HAART ay mga kombinasyon(o cocktails) na binubuo ng hindi bababa sa tatlong mga droga(gamot) na kabilang sa o hidni bababa sa dalawang uri o klase ng mga ahenteng antiretroviral. Sa karaniwang, ang mga klaseng ito ay dalawang [[nucleoside]] na [[anologo]] na kabaligtirang tagapigil ng transcriptase(nucleoside analogue reverse transcriptase inhibitors o NARTIs o NRTIs) na sinamahan ng tagapigil ng protease(protease inhibitor) o hindi nucleoside na kabaligtarang tagapigil ng transcriptase(non-nucleoside reverse transcriptase inhibitor o NNRTI).
 
Walang empirikal na ebidensiya para sa pagkakait ng paggamot sa anumang yugto ng impeksiyon ng HIV at ang mga rate ng kamatayan ay halos dalawang beses na mataas kung ang terapiya ay hininto(hanggang ang bilang ng CD4 ay bumaba sa 500) kompara sa pagsisimula ng terapiya kung ang bilang ng CD4 ay mataas sa 500. Gayunpaman, ang panahon ng pagsisimula
 
Ang United States Panel on Antiretroviral Guidelines for Adults and Adolescents noong 2009 ay nagrekomiyenda na ang terapiyang antiretroviral ay dapat simulan sa lahat ng mga pasyenteng may bilang ng CD4 na mababa sa 350 gayundin ang paggamot ay nirekomiyenda para sa mga pasyenteng may bilang ng CD4 sa pagitan ng 350 at 500. Gayunpaman, para sa mga pasyenteng may bilang ng CD4 na higit sa 500, ang lupon ng mga eksperto ay pantay na hati na ang 50% ay pabor sa pagsisimula ng terapiyang antiretrovial sa yugtong ito ng impeksiyong HIV at ang 50% ay nakikitang ang pagsisimul ang terapiya sa yugtong ito ay opsiyonal. Kanilang isinaad na ang "mga pasyenteng nagsimula ng terapiyang antiretroviral ay dapat handa at magagawang gawin ang habang buhay na paggamot at dapat unawain ang mga benepisyo at kahalagahan ng pagkapit dito.
 
Ang mga bagong klase ng mga droga gaya ng entradang tagapigil(entry inhibitors) ay nagbibigay ng opsiyon ng paggamit para sa mga pasyenteng impektado ng mga virus na hindi tinatalaban ng mga karaniwang terapiya, bagaman ang mga ito ay hindi malawak makukuha at hindi karaniwang makukuha sa mga kapaligirang limitado sa mapagkukunan. Dahil ang pagpapatuloy(progression) ng [[AIDS]] sa mga bata ay mas mabilis at hindi mahuhulaan kesa sa mga matandang tao, na partikular sa mga sanggol, ang mas agresibong mga paggamot ay nirerekomiyenda para sa bata kesa sa mga matatanda. Sa maunlad na mga bansa kung saan ang HAART ay makukuha, tinataya(assess) ng mga doktor ang kanilang mga pasyente ng maigi na sinusukat ang bigat na viral(viral load), kung gaano kabilis bumaba ang CD4 at kahandaan ng pasyente. Pagkatapos nito ay nagpapasya ang mga ito kung kailan irerekomiyenda ang pagsisimula ng paggamot.
 
Ang HAART ay hindi gumagamot(cures) ng pasyenteng may HIV ni pantay na nag-aalis ng lahat ng mga sintomas. Ang mataas na mga lebel ng HIV-1 na kalimitan ay hindi tinatablan ng HAART ay bumabalik kung ang paggamot ay hininto. Sa karagdagan, tatagal ng habang buhay para sa impeksiyon ng HIV upang malinis(cleared) gamit ang HAART. Sa kabila nito, maraming mga indibidwal na impektado ng HIV ay nakaranas ng kahanga hangang pagbuti sa kanilang pangkalahatang kalusugan at kalidad ng buhay na tumungo sa malaking pagbawas ng kaugnay ng HIV na [[morbidad]] at kamatayan sa mga maunlad na bansa. Ang isang pag-aaral ay nagmungkahing ang [[aberahe]]ng ekspektansiya ng buhay(life expectancy o natitirang inaasahang pagkabuhay) ng indibidwal na impektado ng HIV ay 32 taon mula sa panahon ng pagkakahawa kung ang paggamot ay sinimulan nang ang bilang ng CD4 ay 350/µL. Ang ekspektansiya ng buhay ay karagdagang napapaigi kung ang terapiyang antiretroviral ay sinimulan bago ang bilang ng CD4 ay bumagsak sa 500/µL.
 
Sa kawalan ng paggamot ng HAART, ang pagpapatuloy mula sa impeksiyon ng HIV patungo sa [[AIDS]] ay napagmasdang nangyayari sa [[median]] na sa pagitan ng siyam hanggang sampung taon at ang median na pagpapatuloy(survival) na panahon pagkatapos ng pagbuo ng AIDS ay tanging 9.2 buwan. Gayunpaman, ang HAART ay minsang nagtatamo ng labis na mababa sa optimal na mga resulta na sa ibang mga sirkumstansiya ay epektibo sa hindi tataas sa 50 porsiyento ng mga pasyente. Ito ay sanhi ng iba't ibang mga dahil gaya ng [[intoleransiya sa gamot]]/mga [[ikawalang epekto]], ang unang hindi epektibong terapiyang antiretroviral at impeksiyon sa isang hindi tinatablan ng drogang [[strain]] ng HIV. Gayunpaman, ang hindi pagkapit at hindi pagtitiyag sa terapiyang antiretroviral ay isa sa pangunahing dahilan na ang karamihan sa mga indibdiwal na impektado ng HIV ay nabibigong makinabang sa terapiyang HAART.
 
Ang mga dahil sa hindi pagkapit at hindi pagtitiyag sa HAART ay iba iba at nagsasanib. Ang pangunahing mga sikososyal na mga isyu gaya ng salat ng paglapit(poor access) sa pangangalagang medikal, hindi na sapat na suportang pantao, [[sakit sa pag-iisip|sakit sikayatriko]] at [[pag-abuso ng droga]] ay nag-aambag sa hindi pagkapit sa terapiyang ito. Ang kasalimuotan ng mga regimen ng HAART na ito na sanhi ng bilang ng pill, prekwensiya ng dosis, mga restriksiyon sa pagkain o ibang mga isyu kasama ng mga [[pangalawang epekto]] na lumilikha ng intensiyonal na hindi pagkapit ay nag-aambag rin sa problema. Ang mga [[pangalawang epekto]] ay kinabibilangan ng [[lipodystropiya]], [[dyslipidemia]], [[hindi pagtalab ng insulin]], pagdagdag ng mga pangangib [[cardiovascular]] at mga depekto sa kapanganakan.
 
Ang mga drogang anti-retroviral ay mahal(expensive_ at ang karamihan ng mga impektadong indibidwal sa buong mundo ay walang paglapit(access) sa mga gamot at paggamot para sa HIV at [[AIDS]]. Ang pagsasaliksik upang pabutihin ang kasalukuyang mga paggamot ay kinabibilangan ng pagbabawas ng ikalawang mga epekto(side effects) ng mga kasalukuyang drogan, karagdagang pagpapasimple ng mga rehimeng droga upang mapabuti ang pagkapit sa terapiya, at pagtukoy ng pinakamabuting sekwensiya ng mga droga upang mapangasiwaan ang hindi pagtalab ng gamot. Sa kasawiang palad, tanging ang [[bakuna]](vaccine) ay inaakalang makapagpapahinto ng [[pandemiko]]. Dahil ang bakuna ay hindi magastos kaya mas makakaya ng mga [[papaunlad na bansa]](developing countries) at hindi nangangailangan ng pang-araw araw na paggamot. Gayunpaman, pagkatapos ng 20 taong pagsasaliksik, ang HIV-1 ay nananatiling mahirap na inaasinta(target) para sa isang bakuna.
 
==Sanggunian==