Natatanging katangian

Ang Natatanging katangian (Distinctive Features) ay isang pamamaraan sa pagsuri ng mga katangiang ponolohikal ng mga indibidwal na tunog ng panalita ng mga wika ng mundo. Galing ito sa librong The Sound Pattern of English, na naging makasaysayan sa pagsulong sa pag-aaral ng ponolohiya. Isinulat ito nina Noam Chomsky at Morris Halle bilang tugon sa kakulangan ng Jakobsonian na pamamaraan ng pagsuri sa ponolohikal na katangian ng mga wika.

Sa pamamaraan ng pagsuri gamit ang Distinctive Features, nailalarawan ang mga tunog ng panalita sa pamamagitan ng pagbigay ng halagang positibo (+) o negatibo (-) sa mga partikular na katangian, na nangangahulugan ng pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng isang tunog ng panalita ng ganitong katangian. Ang tawag sa katangiang maaaring mabigyan ng halagang positibo o negatibo ay binary feature.

Hal. ang tunog /b/ ay binubuo ng mga katangiang [+consonantal] [-voice] at [-continuant], habang ang tunog /w/ ay binubuo ng mga katangiang [-consonantal] [+voice] at [+continuant]

Naglahad din ng mga lista ng mga katangian ang mga may-akda, na nahahati sa apat na pangunahing kategorya, ang major-class features, laryngeal features, manner features at place features. Inilalarawan ng major-class features ang galaw ng hangin sa paglikha ng partikular na tunog bilang [+/-continuant] (ang pagkakaroon o di pagkakaroon ng maliit na hadlang sa bahagi ng katawan na lumilikha ng pantunog o vocal tract), [+/-sonorant], o [+/-approximant]. Ang laryngeal features naman ay naglalarawan sa galaw ng vocal cord. Kabilang dito ang [+/-voice] o ang pagkakaroon o di pagkakaroon ng pagalingawngaw sa vocal cord. Iniuuri naman ng manner features ang produksiyon ng tunog ayon sa pagkakahadlang ng mga bahagi ng vocal tract, katulad ng katangiang [+/-nasal] na naglalarawan ng pagtaas ng likod ng dila sa malambot na bahagi ng ngalangala o velum. Sa place features naman naitatakda kung saan binubuo ang tunog ng segment. Ilang halimbawa nito ay ang [+/-labial] kung saan ang pagbuo ng tunog ay nagaganap sa labi gaya ng /p/ at /m/, at ang [+/-dorsal] kung saan ang pagbuo ng tunog ay nagmumula sa pagtaas ng dulo o katawan ng dila gaya ng /t/ at /l/.

Sa pamamagitan ng pagtatangi ng mga tunog ng panalita gamit ang Distinctive Features, napadali rin ang proseso ng paglalarawan ng mga pagbabagong ponolohikal na nagaganap sa mga tunog ng panalita, o ang tinatawag na Phonological Processes.

Mga sanggunian

baguhin

Gussenhoven, Carlos and Haike Jacobs. Understanding Phonology. New York: Oxford University Press, 1998. Katamba, Francis. An Introduction to Phonology. London: Longman, 1989.