National and Kapodistrian University of Athens

Ang National and Kapodistrian University of Athens (Griyego:Εθνικόν και Καποδιστριακόν Πανεπιστήμιον Αθηνών, Ethnikón kai Kapodistriakón Panepistímion Athinón; Ingles: National and Kapodistrian University of Athens)[a], karaniwang tinutukoy bilang lamang ang Unibersidad ng Atenas (UoA), ay isang pampublikong unibersidad sa Atenas, Gresya. Ito tuloy-tuloy na nag-opereyt simula nang itatag ito noong 1837 at sa kasalukuyan ay tinuturing bilang ang pinakamatandang institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa modernong estadong Griyego. Ngayon ito ang pangalawang pinakamalaking unibersidad ng Gresya ayon sa bilang ng mga mag-aaral (kasunod ng Unibersidad ng Thessaloniki Aristoteles), at may higit sa 50,000 undergraduate na mag-aaral. Noong 2012 ito ay may ranggong 501-550 sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa mundo, ayon sa mga index ng QS World University Rankings, pati na rin sa pagsusuri ng Academic Ranking of World Universities (ARWU).

Ang ika-19 na siglong makasaysayang gusali ng Unibersidad na dinisenyo ni Christian Hansen. Noon ay nagsilbi ito bilang ang tanging gusali ng unibersidad at ngayon ay isa nang bulwagang panseremonya at rektorya.
Ang Fakultad ng Batas. Ang gusali ay natapos noong 1930. May idinagdag na pangalawang sangayna nata[os noong dekada '60. Ang malawakang mga pagbabago ay nagsimula noong 2002 at nakumpleto noong 2006.[1]

Kasaysayan

baguhin

Ang Unibersidad ng Atenas ay itinatag noong Mayo 3, 1837 ni Haring Otto ng Gresya (sa Griyego, Othon) at pinangalanan sa kanyang karangalan bilang Othonian University (Οθώνιον Πανεπιστήμιον). Ito ang unang pamantasan sa malayang estadong Griyego, pati na rin sa nakapalibot na erya sa Timog-silangang Europa. Ito din ang pangalawang akademikong institusyon pagkatapos ng pagkakatatag ng Ionian Academy. Ang unibersidad ay binubuo ng apat na mga fakultad; Teolohiya, Batas, Medisina at Mga Sining (kung saan kasama ang gamiting agham at matematika). Sa panahon ng unang taon ng operasyon, ang institusyon ay merong sa 33 propesor, habang ang mga kurso ay dinaluhan ng 52 mag-aaral at 75 di-matrikuladong "awditor".

Mga tala

baguhin
  1. Labelled and stylized in new logos as HELLENIC REPUBLIC Padron:Sqc.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Tο υπερσύγχρονο κτήριο της Nομικής Σχολής" (sa wikang Griyego). kapodistriako.uoa.gr. 2006-02-01. Nakuha noong 2009-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)