Nauruano
Ang mga Nauruano o Nauruan ay isang pangkat etniko na katutubo sa isla at bansang Nauru sa Pasipiko . Maaaring sila ay may halong lahi mula sa Micronesia, Melanesya at Polynesia.
Kabuuang populasyon | |
---|---|
c. 15,000 | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Nauru | 11,000 |
Wika | |
Nauruano (katutubo), Ingles, Nauru Pidgin | |
Relihiyon | |
Kristiyanismo, Shamanismo, Animismo | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Polynesian, Melanesian at Micronesian |
Ang pinagmulan ng mga taong Nauruano ay hindi pa lubos na natutukoy. Marahil, ito ay dahil sa paglalayag o paglubog ng barko na nagmula sa Polynesia o Melanesia, at nagtatag doon sapagkat wala pang ni isang katutubong populasyon sa lugar. Samantala, ang mga taga-Micronesia ay tumawid na kasama ang mga nagmula sa Melanesia sa lugar na ito bago pa man sila dumating.
Ang mga Nauruano ay mayroong dalawang bahagi ng kanilang populasyon: ang mga katutubong Micronesian at ang mga Polynesian na naging ang pinakaunang imigrante sa isla. Ang mga Micronesian ay kinakatawan ng magaspang at maitim na buhok; ang mga Polynesian ay mas mapusyaw na kayumanggi at mayroong mas makinis at maitim na buhok.
Noong mga dekada 1920, kumalat ang sakit na trangkaso sa Nauru, na tumama sa mga taong Naurano. Noong 1925, ang mga unang kaso ng diabetes ay nasuri ng mga doktor doon. Ngayon, depende sa edad, dalawa sa tatlong mga Nauruano ang may sakit na diabetes - isa sa mga pinakamataas na bahagdan kaysa sa alinmang bansa sa buong mundo.
Mga larawan
baguhin-
Mga kababaihan at bata sa Arenibek, 1896
-
Mandirigmang Nauruano, 1880
-
Mga binatang Nauruano, 1914
-
Matandang Nauruano, 1914
-
Isang paaralang pampamayanan, 1913
-
Seremonya sa Nauru bilang pagsanib sa Imperyong Kolonyal ng Alemanya, 1888
-
Si Haring Auweyida at ang kanyang asawa, si Eigamoiya, sa kasama ang mga Nauruano, 1880
-
Pangkat ng mga putbolista ng Nauru, Panzer Saints, 2003