Arkitekturang nabal
Ang arkitekturang panghukbong pangdagat o arkitekturang nabal (Ingles: naval architecture) ay isang disiplinang pang-inhinyeriya na nakikibahagi sa pagdidisenyo, pagbubuo, pagpapanatili at pagpapaandar ng mga sasakyang pangdagat at mga kayariang pangdagat.[1] [2] Kasangkot sa arkitekturang panghukbong-dagat ang saligan at inilalapat na pananaliksik, disenyo, pagpapaunlad, pagsusuri ng mga disenyo at ng mga kalkulasyon sa kabuoan ng buhay ng isang sasakyang pangkaragatan. Kabilang dito ang mga pangunahing gawain sa preliminaryo (paunang) disenyo ng sasakyan, ang detalyadong disenyo nito, pagbubuo, mga pagsubok habang pinaglalayag sa dagat, pagpapaandar at pagpapanatili, paglulunsad at paggagarahe ng sasakyan. Ang pagtutuos o kalkulasyon ng disenyo ng barko ay kailangan din para sa mga bapor na binabago o kinukumpuni (sa pamamagitan ng pagpapalit o kumbersiyon, muling pagbubuo, pagsasamakabago o modernisasyon, o pag-aayos ng sira). Kasangkot din sa arkitekturang nabal ang pormulasyon o paggawa ng mga regulasyong pangkaligtasan at mga patakaran sa pagtaban ng sira o pinsala, at ang pagpayag at pagbibigay ng katibayan (sertipikasyon) sa mga disenyong pambarko upang makaabot sa mga pangangailangang makabatas at hindi makabatas. Ang pangunahing mga elemento ng arkitekurang nabal ay kinabibilangan ng hidrostatiks, hidrodinamiks, inhinyeriyang estruktural (inhinyeriyang pangkayarian), at konstruksiyon ng barko (pagbubuo ng bapor).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "RINA - Careers in Naval Architecture". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-20. Nakuha noong 2012-10-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Biran, Adrian; (2003). Ship hydrostatics and stability (unang edisyon) - Butterworth-Heinemann. ISBN 0-7506-4988-7
Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon, Inhenyeriya at Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.