Si Haring Nepherites I o Nefaarud I ang nagtatag ng Ikadalawampu't siyam na Dinastiya ng Ehipto sa pamamagitan ng pagtalo kay Amyrtaeus sa isang bukas na labanan at pagkatapos ay pumaslang sa kanya sa Memphis sa taglagas ng 399 BCE. Ang mga pangyayaring ito ay naitala sa isang dokumentong papyrus na Aramaiko (Papyrus Brooklyn 13). Si Nepherites ay isang katutubo ng Mendes kung saan ay ginawa niya ring kabisera at libingan. Kanyang pinamunuan ang Ehipto mula 398 BCE hanggang 393 BCE. Sa mga bagay na pandayuhan, kanyang sinuportahan ang Sparta sa pakikidigma nito laban sa mga Persiano sa pamamagitan ng pagsusuplay rito ng butil at materyal para sa 100 triremes. Sa Ehipto, siya ay mababang uring pinatuyanan marahil dahil sa paglipas ng panap. Ang isang estatwa ng paraon na ito ay alam mula sa Buto. Si Nepherites ay pinatutunayan sa Gitna at Itaas na Ehipto ng isang kapilya sa Akoris(Tehna) at isang Naos sa Sohag kabilang sa ibang mga proyektong pagtatayo. Siya ay nadokumento ng isang Serapeum stela mula sa Saqqara kung saan ang isang plakang faience na nagbabanggit ng kanyang Ikalawang Taon ay alam. Ang isang label na bendahe ng mummy na isinulat sa demotiko ay nag-iingat ng kanyang Taong 4.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. p.203 Thames & Hudson. 2006. ISBN 0-500-28628-0
Sinundan:
Amyrtaeus
Pharaoh of Egypt Susunod:
Psammuthes