Neri Colmenares
Si Neri Javier Colmenares ay isang Pilipinong manananggol at naging kasapi ng Kongreso ng Pilipinas[1] Si Colmenares ay ang kalihim-heneral ng Pambanang Samahan ng mga Mananaggol ng mga Tao.[2]
Buhay
baguhinIpinanganak sa Negros Occidental, sumama si Colmenares sa mga paghihimagsik laban sa panunungkulan ni Ferdinand Marcos noong 1976. Naging aktibo siya sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), and at siya ay magiging ang Visayas Regional Chair of the Student Catholic Action (SCAUP). Matapos maging isang pambansang konsehong kasapi ng SCAUP, siya ay inaresto. Matapos ng kanyang pagkakakulong, si Colmenares ay lumipat sa Maynila na kung saan abala siya sa mga ugnayan sa iba't-ibang mga samahang pampananampalataya. Noong 1983, siya ay lumipat sa Lambak Cagayan para isang maging nanganagsiwa. Matapos ng limang buwan sa pangangasiwa sa Cagayan ay siya ay hinuli ng mga ahente ng hukbo at pinasentensiya ng 'rebelyon'. Sa kabuuan, si Colmenares ay nakulong ng apat na taon sa ilalim ng Batas Militar at labis na pinahirapan habang siya ay nakakulong. Siya ay isa sa mga pinakabatang mga pampamahalaang mga nakakulong noong mga panahong ito.[3][4][5]
Pagiging mananaggol
baguhinMatapos pinalabas ng kulungan, tinapos ni Colmenares ang kanyang Bachelor of Arts degree in Economics sa Pamantasan ng San Beda at ang kanyang digri sa panananggol sa Unibersidad ng Pilipinas.[3][5] Nagsimula siyang magtrabaho bilang manananggol noong 1996. bilang isang manananggol, siya ay siya ay naguton ng pansin sa mga batas kriminal, batas sa saligang batas at sa panananggol ng mga karapatang pantao.[6]
Sumapi si Colmenares sa Asian Law Centre of the University of Melbourne bilang isang katulong na mananaliksik noong 2002. Noong 2003, siya ay naging isang associate nito.[6]
Pagiging mambabatas
baguhinNoong Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2007, siya ang ikatlong kandidato ng Bayan Muna para sa Kongreso ng Pilipinas. Siya lamang ay nakakuha ng kanyang puwesto matapos ng pagpapahayag ng Korte Suprema ng Pilipinas na First Party Rule bilang labag sa saligang batas, matapos ng petisyon mula sa Bayan Muna.[3][7] Muli siyang hinalal sa Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2010.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Party-list Winners: Whose Interests are Represented? Naka-arkibo 2010-09-03 sa Wayback Machine.
- ↑ The Writ of Amparo and its Implications on Impunity: A Forum to discuss the Scope of the Rule and other relevant issues Naka-arkibo 2010-05-07 sa Wayback Machine.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Bayan Muna Rep. Neri Colmenares
- ↑ Neri Colmenares On Torture, a Human Rights Code and Movie Acting
- ↑ 5.0 5.1 Neri Colmenares On Torture, a Human Rights Code and Movie Acting, part 2
- ↑ 6.0 6.1 ALC Associates Naka-arkibo 2011-04-30 sa Wayback Machine.
- ↑ Member Information - 14th Congress Colmenares, Neri J. Naka-arkibo 2011-06-04 sa Wayback Machine.