Ang neurotrasmitter ay mga kemikal na nagpapadala ng mga signal mula sa isang neuron sa ibang neuron. Ang neurotransmitter ay nakabalot sa isang besikulong sinaptiko na tinipon sa ilalim ng membrano sa presinaptikong bahagi ng isang sinapse, at inilabas sa synaptic cleft (pagitan ng axon at dendrite), kung saan sila kumakapit sa mga reseptor ng ibang neuron sa postsinaptikong bahagi ng sinapse nito. Ang pagkapit ng isang neurotransmitter sa pinadalhang neuron ang nagpapagana sa mga reseptor nito at ang uri ng reseptor na gagana ay depende sa neurotransmitter na ipinadala ng pinanggalingang neuron sa pinadalhang neuron. Halimbawa, kung ang neurotransmitter ng pinanggalingang neuron ay serotonin, ang reseptor na gagana sa pinadalhang neuron ang mga "serotonin receptor". Ang paglabas ng neurotransmitter ay karaniwang nangyayari pagkatapos dumating ang isang elektrikal na aksiyong potensiyal sa sinapse ng isang neuron. Ang mababang antas ng "baseline" na paglabas ng neurotrasmitter ay nangyayari rin nang walang stimulasyong elektrikal. Ang neurotransmitter ay nabubuo mula sa marami at simpleng prekursor(mga naunang kemikal na ginagamit sa paglikha ng bagong kemikal), tulad ng asidong amino na makukuha mula sa mga pagkain at nangangailangan lamang ng isang maliit na bilang ng mga hakbang upang mabuo ang neurotransmitter.

Straktura ng isang kemikal na synapse
Dalawang neuron na magkadugtong. Ang isang along elektrokemikal na tinatawag na aksiyon potensiyal ay naglalakbay sa isang akson ng neuron. Kapag ang aksiyong potensiyal na ito ay dumating sa sinapse ng isang neuron(nasa itaas), ito ay nagdudulot sa sinapse na maglabas ng neurotransmiter na nagbibigkis sa reseptor ng ibang neuron(nasa ilalim) sa kabilang panig na sinapse nito.

Mga uri ng neurotransmitter

baguhin
  • Asidong amino
    • glutamate: Isang mahalagang neurotransmitter na nagdudulot ng pang-matagalang stimulasyon(potentiation) ng dalawang neuron at mahalaga para sa pagkatuto at memorya.
    • aspartate
    • D-serino
    • γ-aminobutyric acid (GABA): ang neurotransmitter na ito ang responsible sa pagpapagana ng dalawang GABA receptor na GABAA at GABAB na responsable sa pagkontrol at pagpipigil ng pagkasabik(excitability) ng neuron.
    • glisino
  • Monoamino at ibang biohenikong amino:
    • dopamino (DA): responsable sa pagpapagana ng limang dopaminong mga reseptor na D1, D2, D3, D4, at D5 sa isang neuron. Ang mga dopamine reseptor na ito ay responsable sa maraming mga prosesong neurolohikal, kabilang ang motibasyon ng isang tao, kaligayahan, memorya, pagkatuto ng isang tao, at kontrol sa paggalaw, pati na rin sa modulasyon neuroendokrinong pagsesenyas
    • norepineprino (noradrenaline; NE, NA): responsable sa laban o takbong tugon(fight or flight response) na dulot ng stress, pagpapalakas ng kaba sa dibdib, pagpapalakas ng daloy ng dugo sa masel.
    • epineprino (adrenaline), histamine: responsable sa laban o takbong tugon, pagpapalakas ng kaba sa dibdib, pagpapalakas ng daloy ng dugo sa masel.
    • serotonin (SE, 5-HT): responsable sa pagpapagana ng pitong reseptor na 5-HT sa isang neuron na responsable sa maraming prosesong neurolohikal kabilang ang "pakiramdam na kasayahan" sa isang tao. Ang kakulangan ng serotonin ang pinaniniwalaang sanhi ng depresyon sa isang tao.
  • Iba: acetylcholine (ACh), adenosine, anandamide, nitric oxide, etc.