Nguyễn Minh Triết
- Sa pangalang Biyetnames na ito, ang apelyido ay Nguyễn, ngunit kalimitan pinapapayak bilang Nguyen. Ayon sa kaugaliang Biyetnames, ang taong ito ay dapat na tawagin ayon sa pangalang ibinigay sa kanya Triết.
Si Nguyễn Minh Triết (ipininganak 8 Oktubre 1942 sa disrito ng Bến Cát, lalawigan ng Bình Dương sa Timog Biyetnam) ay ang kasalukuyang Pangulo ng Biyetnam. Siya ay nahalal ng Pambansang Kapulungan ng Biyetnam na may 464 na boto (94.12%) noong 27 Hunyo 2006. Siya ang dating pinuno ng Partido Komunista ng Biyetnam sa Hồ Chí Minh City.
Nguyễn Minh Triết | |
---|---|
Pangulo ng Biyetnam | |
Nasa puwesto 27 Hunyo 2006 – 2011 | |
Punong Ministro | Nguyễn Tấn Dũng |
Nakaraang sinundan | Trần Đức Lương |
Sinundan ni | Trương Tấn Sang |
Personal na detalye | |
Isinilang | Bến Cát, Bình Dương, Biyetnam | 8 Oktubre 1942
Partidong pampolitika | CPV |
Asawa | Trần Thị Kim Chi |
Ang panguluhan ng Biyetnam ay isang posisyong seremonyal at ang Punong Ministro ang nagmamatyag sa mga gawaing pang-araw-araw ng pamahalaan.
Matapos magturo ng sipnayan sa Saigon, si Triết ay sumali sa partido noong 1965 sa Timog Biyetnam, sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaan sa Indotsina (Digmaang Biyetnam) kung saan kasali ang Estados Unidos. Kasama siya sa mga matataas na pinuno ng Biyetnam na taal ng katimugan at isa sa mga kakaunti na hindi nakisali sa taga-Hilaga matapos ang pagkakahati nito noong 1954.[1] Taong 1992, itinalaga siya bilang pinuno ng partido sa katimugang bahagi ng lalawigan ng Sông Bé. Siya ang nanguna sa pagpapaganda ng isang malaking lalawigang agrikultural na naging ambag sa mga pumapasok na pamumuhunan ng mga banyaga.
Nakapasok siya sa Politburo noong 1997 at naging pinuno ng partido ng Hồ Chí Minh City noong 2000. Sa psisyong iyon pinangunahan niya ang kampanya laban sa mga organisadong nga krimen at korupsiyon, kasama na ang pagkakahuli at pagkakapata sa hari ng underworld Trương Văn Cam, kilala bilang Nam Cam.
Mga Pinagkunan
baguhin- Nhan Dan, "Nguyễn Minh Triết elected new State President" Naka-arkibo 2008-01-10 sa Wayback Machine., 27 Hunyo 2006.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Nguyễn Minh Triết elected new State President". Nhan Dan. 27 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2008. Nakuha noong 24 Enero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing panlabas
baguhinMga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Sinundan: Trần Đức Lương |
Pangulo ng Biyetnam 2006—2011 |
Susunod: Trương Tấn Sang |