Si Nicholas Sparks (ipinanganak noong 31 Disyembre 1965) ay isang Amerikanong nobelista at manunulat na tanyag sa buong mundo. Nakapaglathala na siya ng labinlimang nobela at kabilang sa mga tema ng mga ito ay ang Kristiyanismo, pag-ibig, trahedya, at kapalaran. Anim sa mga nobelang ay isinapelikula na, kabilang ang "Message in a Bottle", "A Walk to Remember", "The Notebook", "Nights in Rodanthe", "Dear John" at "The Last Song" na ipinalabas noong 31 Marso 2010. Dalawa pa sa kanyang mga libro ang nakatakdang gawing pelikula; ang "True Believer" na inaasahang ilalabas sa 2011 at ang "The Lucky One" na inaasahan namang ilalabas sa 2012. Noong 17 Pebrero 2010 ay sinimulan ni Sparks na isulat ang kanyang ikalabing-anim na nobela at tinatayang mailalathala ito sa taglagas ng 2010.[1]

Nicholas Sparks
Si Sparks noong Enero 2006
Kapanganakan (1965-12-31) 31 Disyembre 1965 (edad 58)
Omaha, Nebraska, Estados Unidos
TrabahoNobelista
KaurianRomantic fiction

nicholassparks.com

Maagang buhay

baguhin

Si Nicholas Sparks ay isinilang noong 31 Disyembre 1965 sa Omaha, Nebraska kina Patrick Michael Sparks, isang propesor, at sa kanyang maybahay na si Jill Emma Marie Sparks. Siya ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Si Michael Earl "Micah" Sparks ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at si Danielle "Dana" Sparks (1966-2000) naman ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Si Dana ay yumao sa edad na 33 at ayon kay Sparks, siya ang inspirasyon para sa pangunahing tauhan sa kanyang nobelang A Walk to Remember.

Si Sparks ay pinalaking isang Romano Katoliko[2] at may mga ninunong Aleman, Tseko, Ingles at Irlandes.[3]

Ang kanyang ama ay nag-aaral pa noon, dahilan upang ang kanilang pamilya ay madalas na magpalipat-lipat ng tirahan. Sa edad na walo ay nakatira na siya sa Minnesota, Los Angeles at Grand Island, Nebraska. Noong 1974, ang kaniyang pamilya ay tumigil sa Fair Oaks, California at nanatili roon hanggang matapos ni Nicholas ang kanyang mataas na paaralan. Nagtapos siya bilang valedictorian sa Bella Vista High School at pagkatapos, siya ay pumasok sa Unibersidad ng Notre Dame at doo'y tumanggap nga buong iskolarsyip sa paglalaro ng track and field. Nagtapos siya ng kolehiyo noong 1988. Noon din niya nakilala ang kaniyang mapapangasawang si Cathy Cote mula sa New Hampshire, habang sila ay nagbabakasyon para sa tagsibol. Sila ay nagpakasal noong 1989 at tumira sa Sacramento, California. Naging inihayag na siya at ang kanyang asawa ng kanilang pinaghiwalay noong 06 Enero 2015.

Mga nobelang nalathala

baguhin
  1. The Notebook (Ang Talang Aklat) (Oktubre 1996)
  2. Message in a Bottle (Mensahe sa Isang Bote) (Abril 1998)
  3. A Walk to Remember (Isang Maglakad sa Tandaan) (Oktubre 1999)
  4. The Rescue (Ang Pagligtas) (Setyembre 2000)
  5. A Bend in the Road (Isang Yumuko sa Daan) (Setyembre 2001)
  6. Nights in Rodanthe (Gabi sa Rodanthe) (Setyembre 2002)
  7. The Guardian (Ang Tagapangalaga) (Abril 2003)
  8. The Wedding (Ang Kasal) (Setyembre 2003)
  9. Three Weeks With My Brother (Tatlong Linggo ng Aking Kapatid) (Abril 2004)
  10. True Believer (Ang Tunay na Mananampalataya) (Abril 2005)
  11. At First Sight (Sa Unang Tingin) (Oktubre 2005)
  12. Dear John (Mahal Kong John) (Oktubre 2006)
  13. The Choice (Ang Pagpili) (Setyembre 2007)
  14. The Lucky One (Ang Isang Mapalad) (Oktubre 2008)
  15. The Last Song (Ang Huling Awit) (Setyembre 2009)
  16. Safe Haven (Kanlungan ng Ligtas) (2010)
  17. The Best of Me (Ang Pinakamahusay sa Akin) (2011)
  18. The Longest Ride (Ang Pinakamahabang Pagsakay) (2013)

Mga nobelang naisapelikula

baguhin
  1. Message in a Bottle (12 Pebrero 1999)
  2. A Walk To Remember (25 Enero 2002)
  3. The Notebook (25 Hunyo 2004)
  4. Nights in Rodanthe (26 Setyembre 2008)
  5. Dear John (5 Pebrero 2010)
  6. The Last Song (31 Marso 2010)
  7. True Believer (Iaanunsyo pa lamang, 2011)
  8. The Lucky One (Iaanunsyo pa lamang, 2012)
  9. Safe Haven (Pebrero 2012)
  10. The Best Of Me (Oktubre 2014)

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-08. Nakuha noong 2010-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Author Nicholas Sparks remembers his Catholic roots". Catholic-doc.org. 1999-11-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-22. Nakuha noong 2009-08-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-09-22 sa Wayback Machine.
  3. "Formal Biography". Nicholas Sparks. 1965-12-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-02. Nakuha noong 2009-08-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-05-02 sa Wayback Machine.