Nicky Grist
Si Nicky Grist (pinanganak noong November 1, 1961) ay isang Britong dating nabigador ng rally (rally co-driver) at negosyante mula sa Ebbw Vale, Wales. Nagsimula siyang maging nabigador noong 1982 sa kanyang lugar, ngunit nakilala siya sa kanyang karera bilang nabigador ng mga karerista sa World Rally Championship mula 1993 hanggang 2002, kung saan nagsilbi siya para kay Malcolm Wilson, Juha Kankkunen at Colin McRae.
Nicky Grist | |
---|---|
Kapanganakan | |
Trabaho | Nabigador ng rally (rally co-driver) Negosyante |
Aktibong taon | 1985–2002, 2005–2006 |
Asawa | Sharon Grist |
Website | Official site |
Buhay at karera
baguhinPinanganak si Grist noong November 1, 1961 kina Graham at Brenda Grist mula sa Ebbw Vale. Lumaki siya sa Ponthir at Gilwern at nag-aral sa paaralan ng Brynmawr Comprehensive. Una siyang natuto ng paglalaro ng golf sa kanyang lolo at tumigil siya sa pagaaral sa edad na 16 matapos ialok sa kanya ang trabaho bilang propesyonal na golfer.[1] Kinalaunan ay nakahiligan niya ang pangangarera matapos panoorin ang mga rally sa kanyang lugar, at nagtrabaho bilang tagabenta ng sasakyan parara masuportahan ang kanyang pagiging nabigador, Ang kanyang unang karera ay ang George Ford Pips Rally, na ginanap sa Caldicott sa Wales, gamit ang isang Ford Escort na siyang minaneho ni Bryn Wiltshire.[2]
Matapos ang kanyang karera sa WRC ay nagtayo siya ng negosyo malapit sa Pontrilas, Herefordshire, matapos siyang alukin nila Ludovico at Elena Fassitelli, ang Italianong may-ari at may gawa ng mga Stilo helmet, na maging tanging taga-benta ng mga helmet na gawa ng kumpanya. Kabilang sa kanyang mga kliyente ay sina Petter Solberg, Ken Block, Kris Meeke at Sébastien Loeb.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Famous Person: Nicky Grist". Bioeddie's. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2017. Nakuha noong 3 Pebrero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 14 October 2017[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Jarmyn, Luke. "FIRST PERSON: "There is nothing like the buzz from being in a rally car", Nicky Grist". South Wales Argus. Nakuha noong 22 Disyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.