Prepektura ng Okayama

(Idinirekta mula sa Niimi)

Ang Prepektura ng Okayama ay isang prepektura sa bansang Hapon. Ito ay matatagpuan kasama ang Panloobang Dagat ng Seto (Seto Inland Sea) sa Rehiyong Chugoku. Ang Lungsod ng Okayama ang kabisera ng prepekturang ito. Sa may kanlurang bahagi ng lungsod matatagpuan ang Kurashiki, kung saan dinadayo ng mga turista ang lumang kanal nito.[1]

Prepektura ng Okayama
Opisyal na logo ng Prepektura ng Okayama
Simbulo ng Prepektura ng Okayama
Lokasyon ng Prepektura ng Okayama
Map
Mga koordinado: 34°39′42″N 133°56′05″E / 34.6617°N 133.9347°E / 34.6617; 133.9347
BansaHapon
KabiseraLungsod ng Okayama
Pamahalaan
 • GobernadorRyūta Ibaragi
Lawak
 • Kabuuan7.113,21 km2 (2.74643 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak17th
 • Ranggo21st
 • Kapal273/km2 (710/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166JP-33
BulaklakAmygdalus persica
IbonPhasianus versicolor
Websaythttp://www.pref.okayama.lg.jp/

Kasaysayan

baguhin

Bago ang Panunumbalik ng Panahong Meiji noong 1868, ang lugar ng kasalukuyang prepekturang Okayama ay hinati sa pagitan ng mga lalawigang Bitchū, Bizen at Mimasaka. Ang prepekturang Okayama ay nabuo at pinangalanan noong 1871 bilang bahagi ng malakihang administratibong mga reporma sa unang bahagi ng panahon ng Meiji (1868–1912), at ang mga hangganan ng prefecture ay itinakda noong 1876.[2][3]

Mga tanawin

baguhin

Harding Korakuen ng Okayama

baguhin
 
Ang harding Korakuen ng Okayama

Ang harding ito ay itinayo mahigit tatlong daang taon nang nakakaraan ng isang daimyo. Isa itong simbolo ng kapangyarihang samurai sa lugar at isa sa mga magagandang hardin sa bansang Hapon kasama na ang Kenroku-en ng Lungsod ng Kanazawa at Kairakuen ng Lungsod ng Mito. Ang harding ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Okayama.[4]

Kastilyo ng Bicchu Matsuyama

baguhin

Itinayo noong 1240, isa ito sa mga importanteng kultural na lugar sa bansang Hapon. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng isang bundok na may altitud na 430 metro, kung saan isa ito sa pinakamataas na kuta na may toreng kastilyo sa Hapon. Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Takahashi.[5]

Munisipalidad

baguhin
 
Ang Lungsod ng Okayama
Rehiyong Okayama
Kita-ku, Naka-ku, Higashi-ku, Minami-ku
Kibichūō
Rehiyong Kurashiki
Hayashima
Rehiyong Tōbi
Wake
Rehiyong Igasa
Satoshō
Yakage
Rehiyong Tsuyama
Kumenan
Misaki
Kagamino
Rehiyong Takahashi
Rehiyong Maniwa
Shinjō
Rehiyong Shōei
Nishiawakura
Nagi, Shōō
Rehiyong Niimi

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Okayama Prefecture". www.japan-guide.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Okayama Prefecture". Encyclopedia of Japan. Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2007. Nakuha noong 2012-08-01.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nussbaum, "Provinces and prefectures" galing sa pahina 780 ng Google Books.
  4. "Okayama Korakuen Garden | Okayama Prefecture Official Tourism Guide Explore Okayama, the Land of Sunshine". www.okayama-japan.jp. Nakuha noong 2023-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Bicchu Matsuyama Castle | Okayama Prefecture Official Tourism Guide Explore Okayama, the Land of Sunshine". www.okayama-japan.jp. Nakuha noong 2023-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.