Ninurta
Si Ninurta (Nin Ur: Diyos ng Digmaan) sa mitolohiyang Sumerian at mitolohiyang Akkadian ang Diyos ng Lagash na kinilala kay Ningirsu. Sa mas matandang transliterasyon, ang pangalan ay isinaling Ninib at Ninip at sa maagang komentary ay minsang inilalarawan bilang isang diyos na araw. Sa Nippur, si Ninurta ay sinasamba bilang bahagi ng isang triad kabilang ang kanyang amang si Enlil at inang si Ninlil. Sa ibang mitolohiya, ang kanyang ina ay sinasabing ang diyos ng pag-aning si Ninhursag. Ang konsorte ni Ninurta ay si Ugallu sa Nippur at Bau kapag tinatawag siyang Ningirsu. Si Ninurta ay kadalasang lumilitaw na humahawak ng isang pana at palaso at isang karet na espada o isang mace na tinatawag na Sharu. Si Sharur ay may kakayahan sa pagsasalita sa Sumerian at maaring mag-anyong isang may pakpak na leon at maaaring kumakatawan bilang arketipo para sa kalaunang si Shedu. Sa isa pang alamat, si Ninurta ay nakipaglaban sa isang tulad ng ibong halimawa na si Imdugud (Akkadian: Anzû). Ang bersiyong Babilonian ay nagsasalaysay kung paanong ninakaw ng halimaw na si Anzû ang mga Tableta ng Tadhana mula kay Enlil. Ang Mga Tableta ng Tadhana ay pinaniniwalaang naglalaman ng mga detalye ng kapalaran at hinaharap. Pinaslang ni Ninurta ang bawat mga halimaw na kalaunang kinilala bilang mga "pinaslang na bayani"(Ang Mandirigmang Dragon, ang Punong Palmang Hari, Panginoon Saman-ana, ang halimaw na Bison, ang Sirena, ang may pitong-ulong ahas, ang may anim na ulong mabangis na kambing). Kanya silang ninakawan ng mga mahahalagang bagay gaya ng gypsum, malakas na kobre, at bangkang magilum. Kalaunan, si Anzû ay pinatay ni Ninurta na naghatid ng Tablet ng Tadhana sa kanyang amang si Enlil.