Nirvana (banda)

Amerikanong na banda

Ang Nirvana ay isang American rock band na binuo ng mang-aawit at gitaristang si Kurt Cobain at ng bahistang si Krist Novoselic sa Aberdeen, Washington noong 1987. Dumaan ang Nirvana sa pagpapalit-palit ng tambolista, ang pinakatumagal ay si Dave Grohl, na naging bahagi ng banda noong 1990. Sa kabila ng paglalabas lamang ng tatlong full-length studio albums sa pitong taong karera nila, ang Nirvana ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiya at pinakamahalagang bandang rock ng makabagong panahon.

Nirvana
Kabatiran
PinagmulanAberdeen, Washington, Estados Unidos
Genre
Taong aktibo1987–1994
Label
Dating miyembro See members section for others
Websitenirvana.com

Noong huling bahagi ng dekada 80, nakita ng Nirvana ang sarili nila bilang bahagi ng Seattle grunge, at naglabas sila ng kanilang unang album na pinamagatang Bleach para sa independiyenteng record label na Sub Pop noong 1989. Kinalauna'y nakabuo sila ng sariling tunog na nakadepende sa dinamikong salungatan, madalas sa pagitan ng mga tahimik na mga taludtod at maiingay at mabibigat ng mga koro. Matapos pumirma sa malaking record label na DGC Records, nakatagpo ang Nirvana ng di-inaasahang tagumpay sa awiting "Smells Like Teen Spirit", ang unang isahang sensilyo mula sa ikalawang album ng banda na Nevermind (1991). Ang kagyat na kasikatan ng Nirvana ang nagpasikat pa lalo ng alternative rock sa kabuuan, at nakita rin ng punong mang-aawit ng banda na si Cobain ang sarili nito na ipinakikilala ng midya bilang "tagapagsalita ng isang henerasyon" (spokesman of a generation), na ang Nirvana ay itinuring bilang simbolong banda ng Henerasyong X.[1] Ang ikatlong studio album ng Nirvana, ang In Utero (1993) ay nagtampok sa abrasive at mas di-popular na tunog, na humamon sa mga tagapakinig ng banda. Hindi napantayan ng album na ito ang kinita ng Nevermind subalit tagumpay pa rin ang paglabas at pinuri ito.

Nagwakas ang maikling pamamayagpag ng Nirvana matapos mamatay si Kurt Cobain noong 1994, subalit iba't-ibang mga posthumous releases ang inilabas mula noon, na pinamamahalaan nina Novoselic, Grohl, at ng balo ni Cobain na si Courtney Love. Mula nang nag-umpisa ang banda, nakapagbenta sila ng mahigit 25 milyong rekord sa Estados Unidos pa lamang, at mahigit 75 milyong rekord naman sa buong mundo, dahilan upang sila'y ituring na isa sa mga pinakamabiling banda sa lahat ng panahon.[2][3] Inilukok ang Nirvana sa Rock and Roll Hall of Fame sa unang taon ng pagkakahirang nito, noong 2014.

Personnel

baguhin

Discograpya

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Azerrad, Michael. "Inside the Heart and Mind of Nirvana". Rolling Stone. 16 Abr 1992. Inarkibo mula sa orihinal noong 09 Ene 2008. Hinango noong 23 Ago 2010.
  2. Gupta, Rapti (17 Dis 2013). "Nirvana to be Inducted to the Rock Hall of Fame in 2014". International Business Times. Nakuha noong 17 Mayo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Top Selling Artists". Recording Industry Association of America. Hinango noong 07 Mar 2012.
baguhin

Padron:Nirvana