Nitro Pepsi

inuming pampalamig ng PepsiCo

Ang Nitro Pepsi ay isang kola na inuming pampalamig na ginawa ng kompanyang PepsiCo. Ito ay isang bersyon ng Pepsi na pinuno ng nitroheno. Ang pagdaragdag ng gas na nitroheno imbis ng karbon dioksido ay lumilikha ng makinis na pagkakayari para sa nasabing kola. Ito ay binuo sa bandang 2019,[1] at unang naibenta sa Estados Unidos noong Marso 2022.[2][3] Ang inumin ay nasa isang aluminyo na lata na naglalaman ng isang widget na pinupuno ang inumin ng nitroheno kapag nabuksan na ang lata, tulad ng ilang nakadelata na draft beer tulad ng Guinness.[4] Ang nasabing inumin ay may bersyon na may lasang baynilya.[5]

Can of Nitro Pepsi on a white background
A can of Nitro Pepsi

Kritikal na pagsusuri

baguhin

Inulat ni Ross Yoder ng BuzzFeed na ang nasabing inumin ay sobrang matamis dahil sa kakulangan ng kapaitan na ibinibigay ng karbon dioksido[6] habang napansin din ni Josh Jackson ng Paste ang katamisan ng inumin at sinabi na ito'y "sobrang malakrema at malamantikilya".[7]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Reiter 2022.
  2. Pomranz 2022.
  3. Sengupta 2022.
  4. Gates 2022.
  5. "Nitro Pepsi Vanilla Draft Cola". PepsiCoBeverageFacts.com. Abril 26, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hunyo 2022. Nakuha noong 8 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Yoder 2022.
  7. Jackson 2019.

Mga batayan

baguhin