.

Noël Coypel, Salon Sinusuportahan ang Katarungan, Palasyo ng Versailles, 1672. Sa pamagat na ito ang "salon" ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao o pagpupulong ng mga tao

Si Noël Coypel (25 Disyembre 1628 – 24 Disyembre 1707), ay isang Pranses na pintor, na tinatawag ding Coypel le Poussin o "Coypel na Poussin", mula sa katotohanan naimpluwensiyahan siya ni Poussin. Anak na lalaki siya ng isang hindi matagumpay na tagapagpinta. Pagkaraang pinagtrabaho ni Charles Errard upang magpinta ng ilang mga larawan para sa Louvre, at pagkaraan sumikat pagdaka dahil sa ibang mga dibuhong nalikha ayon sa utos ng hari, hinirang siya noong 1672 bilang direktor ng Akademyang Pranses sa Roma. Pagkalipas ng apat na mga taon, nagbalik siya sa Pransiya; hindi nagtagal ay naging direktor siya ng Akademya ng Pagpipinta. Maaaring ang Pagkamartir ni Santiago sa Nôtre Dame ang kanyang pinakamahusay na akda. Si Coypel ay isang estudyante ni Noël Quillerier.

Mga pintor din ang kanyang mga anak na lalaking sina Antoine at Nöel-Nicolas.

Namatay si Noël sa edad na 78.

Mga tanggapang pangkalinangan
Sinundan:
Charles Errard
Direktor ng Akademyang Pranses sa Roma
1672–1675
Susunod:
Charles Errard

Mga sanggunian

baguhin