Noah Webster
Si Noah Webster (16 Oktubre 1758 - 28 Mayo 1843) ay ang kinikilalang ama ng baybaying may kapayakan, at maging ng karapatang-ari (copyright) sa Estados Unidos.[2]
Noah Webster | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Oktubre 1758
|
Kamatayan | 28 Mayo 1843
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Yale University |
Trabaho | leksikograpo, lingguwista, mamamahayag, politiko,[1] manunulat |
Pirma | |
Talambuhay
baguhinSi Noah Webster ay ipinanganak noong 16 Oktubre 1758 sa Kanlurang Bahagdan ng Hartford, Connecticut, sa isang may kayang mag-anak. Ang kanyang amang si Noah, Sr. (1722-1813), ay isang magsasaka. Ang kanyang ama ay anak ng dating Gobernador ng Connecticut na si John Webster; ang kanyang ina, si Mercy (née Steele; d. 1794) ay anak ni Gobernador William Bradford ng Kolonya ng Plymouth. Si Noah ay may dalawang kapatid n a lalaki, (si Abraham (1751-1831) at Charles (b. 1762)), at dalawang kapatid na babae (si Mercy (1749-1820) at Jerusha (1756-1831)). Ang kanyang tahanan noong baya pa siya, ang Bahay ni Noah Webster, ay isa na ngayong Pambansang Tanda ng Kasaysayan at isang museo.
Sa edad na 16, Nagsimulang mag-aral si Noah sa Dalubhasaang Yale. Ag kanyang apat na taon sa Yale ay naabutan ng Digmaang Himagsikang Amerikano, at dahil sa kakulangan ng pagkain, karamihan sa kanyang mga klase sa dalubhasaan ay ginanap sa Glastonbury, Connecticut. Naglingkod din siya sa Hukbong Connecticut noong Himagsikang Amerikano.
Nang makapagtapos siya sa Yale noong 1778, ninais ni NOah na ituloy ang kanyang pag-aaral upang matamasa niy ang degree sa batas. Nagturo siya sa paaralan sa Glastonbury, Hartford, at sa Kanlurang Hartford upang matustusan niya ang kanyang pag-aaral. Nakuha niya ang degree sa batas noong 1781 ngunit hindi nagampanan hanggang 1789, kung saan hindi niya pa nais ang batas. Kaya, sinubukan niyang magturo, bumuo ng ilang maliliit na mga paaralan ngunit hindi naging matagumpay.
Napangasawa ni Webster si Rebecca Greenleaf (1766-1847) noong 26 Oktubre 1789 sa New Haven, Connecticut. Nagkaroon sila ng walong anak: sina Emily Schotten (1790-1861), Frances Julianna (1793-1869), Harriet (1797-1844), Mary (1799-1819), William Greenleaf (1801-1869), Eliza (1803-1888), Henry (1806-1807), at Louisa (b. 1808).Mahilig si Webster magdala ng mga pasas at kendi sa kanyang bulsa upang matuwa ang kanyang mga anak.
Maayos ang buhay may-asawa ni Webster at nakakasalamuha ang mga mayayaman sa Hartford subalit wala gaanong salapi. Noong 1793, pinautang siya ni Alexander Hamilton ng $1,500 upang makalipat siya at ang kanyang mag-anak sa Lungsod ng New York upang mag-edit ng isang pahayagang Federalista. Noong Disyembre, natagpuan niya ang kauna-unahang arawang pahayagan ng New York, ang American Minerva (na naging The Commercial Advertiser). Nag-edit siya dito ng apat na taon.
Sa mga dekadang lumipas, siya ay naging isa sa mga magagaling na may-akda sa bagong bansa (Estados Unidos), naglilimbag ng mga aklat, nagsasanaysay sa politika para sa partidong Federalista, at gumagawa ng artikulo sa pahayagan sa isang kamangha-manghang bilis (ang isang makabagong bibliograpiya na kanyang mga gawang inilimbag ay nangangailangan ng 655 na pahina).
Iba pang mga akda
baguhin- A Grammatical Institute of the English Language (Isang Institusyong Pangbalarila ng Wikang Ingles), (1783)
- Sketches of American Policy, (1785)
- A Compendious Dictionary of the English Language, (1806)
- Philosophical and Practical Grammar of the English Language, (1807)
- mga pagbabago sa Authorized Version of the English Bible, (1833)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://elections.lib.tufts.edu/catalog/WN0000; hinango: 23 Disyembre 2020.
- ↑ The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8