Ang non sequitur ( Ingles /nɒn ˈsɛkwtər/ non-_-SEK-wit-ər, Klasikong Latin[noːn ˈsɛkᶣɪtʊr] ; "hindi sumunod") ay isang paraan ng panitikang pakikipagtalastasan, na madalas na ginagamit para sa mga hangaring nakakatawa at komediko. Ito ay isang ideyang sinasabi na, dahil sa maliwanag na kawalan nito ng kaugnayan sa naunang bahagi, [1] tila nagiging taliwas sa punto nito at sa gayon, nagiging katawa-tawa o nakakalito.

Ang paggamit ng terminong ito ay naiiba mula sa non sequitur sa lohika, kung saan ito ay isang 'pagkakamali' o hindi pangangatwiran sa argumento.

Etimolohiya

baguhin

Ang ekspresyon ay nangangahulugan sa Latin na "hindi sumusunod" o "hindi sumunod". Nagmula ito sa mga salitang non, na nangangahulugang "hindi" at sequor na nangangahulugang "sumunod".

Paggamit

baguhin

Ang isang non sequitur ay maaaring magpahiwatig ng isang biglaang, hindi lohikal, o hindi inaasahang pagbabago sa balangkas o dayalogo sa pamamagitan ng pagsasama ng ilang hindi naaangkop na pagbabago sa paraan ng pagsabi. Ang isang non sequitur na biro ay bagkus walang paliwanag, ngunit ito ay sumasalamin sa mga katangahang pag-iisip at alternatibong kaisipan na may partikular na katangian .

Halimbawa

baguhin
  • Ang santol ay di-nagbubunga ng mangga.
  • Kumakain sa David ng tinapay. Gusto niya ang karne ng baboy.
  • "Anong meron sa labas?" -"Alas dos na."
  • Magaling magluto ng karne si Juan. Kailangan niyang tumakbo bilang gobernador.
  • Nagkasakit ako dahil sa isda kahapon. Dahil doon, nasarapan talaga ako sa pizza.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. The Oxford Pocket Dictionary of Current English. Oxford University Press, 2009.

Mga panlabas na kawingan

baguhin