Noo
Sa anatomyang pantao, ang noo ay ang unang bahagi ng ulo. Ito ay isang lugar ng ulo na may tatlong tampok na hangganan, dalawa sa bungo at isa sa anit. Ang itaas ng noo ay nagmumula sa linya ng buhok kung saan ang buhok sa anit ay tumutubo. Ang ibaba ng noo ay nagtatapos sa (supraorbital) galugod, ang tampok na buto ng bungo sa itaas ng mga mata. Ang dalawang panig ng noo ay humahanggan sa (temporal) galugod, ang tampok na butong nag-uugnay sa (supraorbital) galugod sa linya ng (coronal suture) at mga karatig.
Aspetong pang-kalinangan
baguhinKaraniwang sinasabi na ang pagkakaroon ng malapad o malaking noo ay hudyat ng mataas na antas ng karunungan, bagaman mas malamang na ito ay batay sa mga kuwentong kathang-isip lamang. May ilang paraan ng paggugupit o pag-aayos ng buhok kung saan maaaring ikubli ang bahagi ng noo.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.