Novosibirsk State Technical University
Ang Novosibirsk State Technical University (NSTU), hanggang 1992 ay kilala bilang Novosibirsk Electrotechnical Institute (NETI), ay isa sa mga pangunahing sentro ng pananaliksik at pang-edukasyon ng Russia. Isa rin ito sa mga nangungunang pamantasang teknikal na matatagpuan sa Novosibirsk, Russia .
Ang unibersidad ay itinatag alinsunod sa dikri ng USSR Council of Ministries noong 19 Agosto 1950. Mayroon itong 11 fakultad at 2 instituto: Institute of Social Rehabilitation at Institute of Distant Education, 73 kagawaran, 4 sangay at 9 tanggapan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.