Nukleyar na pagkatunaw
Ang nukleyar na pagkatunaw o pagkalusaw na nukleyar (Ingles: nuclear meltdown) ay isang pariralang naglalarawan ng isang natatanging tipo ng sitwasyon, na maaaring maganap sa isang reaktor na nukleyar. Kung minsan, hindi lumalamig na maayos ang gitnang bahagi ng nukleyar na reaktor – partikular na ang gitna – . Dahil sa ilang mga depekto, nabibigo ang sistemang pampalamig o nagiging depektibo ang pagsasagawa nito ng tungkulin. Kapag nangyari ito, nagiging mainit ang uranyo o plutonyo o kaya katulad na mga materyal na nasa loob ng reaktor na nukleyar. Kapag naging napakainit ng mga ito, nagsisimulang matunaw o malusaw ang mga materyal na ganito. Kapag nagkakaroon ng ganitong kalagayan o katayuan sa loob ng isang nukleyar na reaktor, tinatawag itong pagkatunaw na nukleyar.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.