Nuno
(Idinirekta mula sa Nuno sa punso)
Sa mitolohiyang Pilipino, ang nuno o nuno sa punso ay ang nilalang na mukhang duwende na kadalasang pinaniniwalaang naninirahan sa punso. Tinatawag itong nuno (mula sa salitang ninuno) dahil ang itsura ng nilalang na ito ay isang maliit na matanda.
Pinaniniwalaan nagbibigay suwerte o kamalasan ang munting nilalang na ito. Kadalasan sa mga dumadaan sa harap o malapit man sa punso ay nagsasabi ng "tabi-tabi po" upang makaiwas sa malas na maaaring maidudulot nito. Ang nuno ay sinasabing mayroong kapangyarihan o mahika na nagbibigay suwerte sa mabait sa kalikasan at malas sa masama sa kanila.