Sa mala-pelikula-dokumentaryong pamamaraan, tinatalakay ng pelikulang Nuwebe ang maselang usapin ng pang-aabuso sa sariling anak at pagkakabuntis nito. Ang pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ni Joseph Israel Laban. Ayon sa manunulat at direktor, inspirasyon sa pagkokonseptuwalisa ng kuwento ang isang aktuwal na pangyayari ng pagkakabuntis ng isa sa pinakabatang ina sa bansa na kanyang ginawan ng dokumentaryo para sa GMA7 [1] Naka-arkibo 2014-01-31 sa Wayback Machine..

Ginawa ang pelikula sa loob ng siyam na araw sa Isla ng Marinduque.

Kabilang ang Nuwebe sa kategoryang New Breed ng ika-9 na CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013, na itinanghal nang mula 26 Hulyo hanggang 4 Agosto 2013. Ipinapalabas ang mga pelikulang bahagi ng festival sa Cultural Center of the Philippines, mga sinehan ng Greenbelt 3 sa Lungsod ng Makati, Alabang Town Center, Muntinlupa at Trinoma sa Lungsod ng Quezon.

Sinopsis

baguhin

Sa edad na nuwebe maaabuso at mabubuntis ng sariling ama ang siyam na taong gulang na batang si Krista. Makukulong ang amang si Moises matapos masampahan ng kasong panggagahasa. Mahahati naman ang paninindigan ng inang si Dolores sa pagitan ng pagmamahal sa kanyang anak at asawa. Sa simula'y hindi paniniwalan ni Dolores ang pagkakabuntis ng anak; ang paniwala niya'y namaligno ito kaya't kanilang dadalhin sa manggagamot na si Loleng. Ngunit gayon pa man, sa lahat ng ito, hindi tinitingnan ni Krista ang sarili bilang biktima.

Ang mga gumanap

baguhin

Ang mga nasa likod ng pelikula

baguhin
  • Joseph Israel Laban, Direksyon, Panulat at Prodyuser
  • Derick Cabrido, Punong Prodyuser at Editor
  • Ferdinand Lapuz, Prodyuser
  • Ariel Bacol, Prodyuser
  • Jade Valenzuela, Kasamang Prodyuser
  • Jedd Dumaguina , Kasamang Prodyuser at Disenyo ng Tunog
  • Rodel Cabrido, Katuwang na Prodyuser
  • Marco Felipe Villas Lopez, Direktor sa Potograpiya
  • Jaime Habac, Jr. Disenyo ng Produksiyon at Katulong na Direktor
  • Julianne Rose Marquez, Tagapamahala ng Produksiyon
  • Bryan Dumaguina, Disenyo ng Tunog
  • Owen Berico at Gerone Centeno, KulayTagapagtaguyod
  • Cinemalaya Foundation, Inc.
  • One Big Fight Productions
  • One Dash Zero Cinetools
  • Monoxide Works

Panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.